Chapter 2

2 0 3
                                    

💎💎💎💘💘💘

Mabilis na lumipas ang araw at sa wakas natagpuan ko na ang lagusan patungo sa kabilang planeta

Dapat kong maibalik ang dyamante upang mailigtas ko ang lahat...

Tinungo ko ang punong may pulang dahon at saka itinapat ang aking mga palad sa malaking butas nito
Nagumpisang lumiwanag ang puno at unti unti itong gumalaw at mas lalong gumawa ng malalaking butas..

Ako ang prinsesa ng kahariang andromeda at ipinapangako kong ililigtas ko ang planeta gayun din ang mga tao nito..

Malakas na sabi ko at saka nag umpisang pumasok sa lagusan..

💎💎💎💘💘💘

Arrghh  daing ko habang tumatayo sa pagkakahulog sa puno..

Nandirito ako sa gitna ng gubat at sigurado akong ito na ang planetang earth o earth...ibang iba ito sa aming planeta,doon ay masagana ang mga halaman samantalang dito ay mga tuyo't wala ng buhay,doon rin ay may sariwang hangin hindi tulad dito na puro usok ang maaamoy..

Pinalitan ko muna ang aking kasuotan bago ako lumisan sa gubat at tumungo sa lugar na matao..

Uyy friend ganda ng dress oh!

O bente bente na lang,tawad na po yan

Bili na kayo sariwa pa itong mga prutas

Siksikan at puro sigawan ang nangyayari rito... medyo naiilang ako sa uri ng kanilang pamumuhay

Oh ineng bili ka na, sampu lang iyan alok sa akin ng isang matandang babae

Naku,pasensya na po subalit ako po ay tutuloy na.. pagtanggi ko sa matanda

sige,wag na lang

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa lugar na mayroong mga bahay, ito yata ang tinatawag nilang village

Miss ano pong maipaglilingkod ko?
Tanong sa akin ng tagapagbantay,tulad lang rin sa andromeda

Naghahanap po kasi ako ng matutuluyan maikling sagot ko

Ganun ba,aba'y tamang tama at may bakanteng village doon sa bandang dulo nito,punta ka na lang diyan sa kuwartong iyan at doon ka magbayad kaso nga lang may kamahalan ang mga bahay dito

mahabang lintaya niya

wala pong problema iyon,ang mahalaga po ay mayroon akong matuluyan

Aba'y kung ganoon pumunta ka na roon at umupa ng bahay

Sige po maraming salamat po

Walang anuman ineng!

Tumuloy na ako sa nasabing kuwarto

Life Or DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon