Chapter 1

3 0 2
                                        

💎💎💎💘💘💘

"Kailangan niyo pong makuha ang dyamante ng kapayapaan at kabutihan o ang Acrisius stone upang manumbalik ang dating andromeda" saad ng isang oracle

Tumango ako bilang tugon dito

"Mayroon pa po mahal na prinsesa,limitado na lamang po ang oras dito sa andromeda,at kung hindi po kayo makakabalik makalipas ang tatlong buwan,tuluyan na pong maglalaho ang planetang ito"dagdag nito

Nagulantang ako sa aking nalaman... sa akin nakasalalay ang buhay ng maraming tao,ng aking nasasakupan,gayun din ang kahariang iniwan ng aking mahal na inang reyna at mahal na amang hari...

*sigh*

Mayroon po bang ibang paraan kung sakaling hindi ko maibalik ang dyamnte sa loob ng tatlong buwan? Tanong ko kay zoro ang oracle ng kahariang andromeda

"Mayroon po subalit hindi ko maaaring sabihin,ipagpaumanhin niyo po"  sagot ni zoro

Naiintindihan ko...

"Ako'y lilisan na po mahal na prinsesa"

Sige

Bumalik ako sa loob ng aking kuwarto at hinanda na ang aking mga gagamitin...

Ako nga pala si Danaea Arachuim Prinsesa ng kahariang andromeda

Trooot troot troot (tunog ng trumpeta)🎺🎺🎺

Makinig kayong lahat sa akin,alam kong batid ninyo ang kalagayan ng ating planeta kung kaya't ako ay lilisan upang ibalik ang dyamante sa ating kaharian ng sa gayon ay manumbalik ang buhay at sigla ng ating planeta

Malakas na pagkakasabi ko sa aking mga nasasakupan

Sandaling katahimikan ang namayapa ngunit di nagtagal ay nabasag ito ng sumabat ang isa sa aking tauhan

"Ngunit mahal na prinsesa,papaano po kaming maiiwan?" Tanong nito sa akin kasabay ng pagtango ng ibang dromeians (tawag sa mga tao sa andromeda)

"At saka sino po ang magsisilbing pinuno sa kaharian?" Sambit pa ng isa

"Huwag kayong mabahala sapagkat si Creo na aking kanang kamay ang siya munang tatayo bilang pinuno ng kaharian"

Malakas na paliwanag ko

Creo,pakihanda ang aking mga gagamitin sa paglalakbay patungo sa planetang earth utos ko dito na mabilis namang tinugon nito

Masusunod po mahal na prinsesa

Mabilis na nagsikilos ang lahat...

Pangako ililigtas ko kayo,ililigtas ko ang ating planeta,ang kahariang andromeda

Bulong ko sa hangin at saka nagsimula sa paglalakbay patungo sa planetang earth

Pangako... babalik ako,ililigtas ko kayo...Pangako iyan.

Life Or DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon