Chapter 19: My Feelings + 7 minutes with you

89 0 0
                                    

anyways, in the end

"congrats, ni neul" sabi ni top

at sobrang nagkakahiyaan kaming dalawa sa pagyakap

naiiyak ako, gusto ko syang yakapin ng mahigpit, and i never gonna let him go, but as he releases me, and smiled at me

OMG!

Ayan na! Patulo na ang luha ko!

Wait! Wag kang tutulo!

At patuloy ng umalis si top at kinausap si park bom,

hindi ko maalis ang tingin ko sa kanila, cause they look so good together

"oy! Ni neul! Tara! Inom tayo!" sabi ni seungri

"ah! Sige " sagot ko at tinabihan ko si neul mi

masaya ang lahat

magulo, maingay at halos lahat, umiinom

"ni neul! Inom ka" pagaalok ni seungri

binigyan nya ako ng isang shot ng wine

i was about to drink it but

"wine! Mine!" sabi ni jiyong

sya na ang uminom ng wine ko

hanggang sa

"ni neul! Kiss mo ko!" niyakap ako ni jiyong

"lasing ka na jiyong!" natatawa kong sabi

Naglaro kami ng 7 minutes in heaven, kung san ikukulong kayo sa isang closet na madilim at may 7 minutes ka para kausapin ang taong kasama mo sa loob

nang magstart ang game

namatay bigla ang ilaw at may humatak sa akin at

"sino ka?" tanong ko

"top" sagot ng lalaking kasama ko sa loob ng closet

si top pala ito

teka! Sayang ang 7 minutes!

Anong gagawin ko?

"ah! Top-sshi! Ikaw pala! Kamusta na kayo ng girlfriend mo?" tanong ko

grabe! Ang awkward talaga!

"wala, hindi pa kami, iniintay ko pa kasi sya" sabi ni top

anong iniintay?

Bakit iintayin?

"ah, bakit mo pa iintayin?" tanong ko

"kasi hindi pa ito ang right time para maging kami, 25 lang ako at masyado pang maaga para sa mga ganon" sabi nya

ang swerte siguro ng babae na iyon, sana ako na lang yon

Top's POV

"eh ikaw, kamusta naman? May mahal ka na ba?" tanong ko

"oo, may mahal na ako pero, kagaya mo iniintay ko rin sya" sabi ni ni neul

Tatanungin ko sana kung sino pero time's up na daw

pagkatapos ng game

kinakausap ko ulit si park bom

napatingin ako kay ni neul at nagtatawanan sila ni jiyong

siguro nga si jiyong na talaga ang gusto ni ni neul ngayon

kung alam mo lang ni neul, na ikaw talaga ang babaeng iniintay ko,

ayoko lang naman masira ang career mo, kaya ko iniwas ang sarili ko sayo

sana maintay mo ang tamang panahon, ung panahong kaya ko ng sabihin at aminin sa lahat na mahal kita

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon