THE END 1.2

4 0 1
                                    

PAT

  Takbo.

Yan lang ang nasa isipan ko.

Takbo, para iligtas mo ang sarili mo.

Takbo lang ako ng takbo ng 'di ko alam kung san ako papunta. Kani-kanina lamang ay kasama ko si Brian. Masaya kami, Oo ngunit ng 'di sinasadya ay napatingin ako sa kanya. Kausap nito si Tiffa, isa sa mga kababata ko, kababata namin.

May kurot akong naramdaman.

Makalipas lang ng ilang minuto ay isang guro ang tumatakbo ng napakabilis na para bang may humahabol sa kanya.

"Pat..." tumingin ako kay Brian.

"Titingnan ko lang ah..." sabe nito saakin.

Agad naman akong napatango. Hinalikan na ako nito sa noo at saka umalis.

Hindi ko siya masisi dahil Presidente siya ng school at tungkulin niyang alamin kung anuman ang nangyayari dito sa school.

Patakbo itong lumayo saakin.

Sigh.

Naglakad na ako papuntang CR.
Kinuha ko yung cp ko sa bulsa at dinial ang number niya. Oo, merun kaming 'di pagkakaintindihan dahil kasalanan ko naman kung bakit. Nag isip isip ako ng mabuti bago ko siya tawagan. Bigla biglang lumabas sa isang cubicle si Gina, isa sa mga kaibigan ko.

"Gina..."

"Ay buti na lang at may cp ka..."

Napatingin ako sa cp ko at inabot sa kanya.

"Hihiramin mo?"

"Puwede ba?"

Agad naman akong napatango.

"Sige ah mabilis lang ito..."

"sige"

Lumabas na ito ng CR. Nakahinga ako ng malalim. Buti na lang at hiniram ni Gina.

"AHHHHHHH!!!"

Napalingon ako sa labas. Pagtingin ko, maraming nagsisitakbuhan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.

"Anong nangyayari?" bulong ko sa sarili ko.

Nakikita ko na nagsisigawan na sila.

Kinabahan ako. Nagsisiksikan na sila... Bakas sa kanilang mga mukha ang takot.

Nasagi ako ng isang lalake dahilan para madapa ako.

Pagtingin ko...

Nanlalaki ang aking mga mata... ang prof ko sa Calculus, ibang iba ang itsura niya. May malaking sugat ito sa tyan at labas ang intestine nito.

Nakakasuka ang itsura, naglalakad ito palapit saakin.

Dahil sa takot ay napatakbo na din ako palayo.

At ito na nga ako ngayon patuloy na tumatakbo hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Nandidito ako ngayon sa isang building ng akademya namin. Pagliko ko ay napapreno ako ng pagtakbo. Pero dahil madulas ang sahig ay napaupo ako. Kitang kita ko ang masalimuot na eksena.

Naiiyak ako dahil tatlo sila, kinakain nila ang isang estudyante. Napalingon sila saakin.

Hindi. hindi.... paatras akong gumapang.

"Arrrgggg...."

Bumilis ang paghinga ko. Tumakbo ako sinundan nila ako.

"Rrggggghhh!"

Naiyak ako dahil sa takot. Mas lalo akong naiyak ng wala na akong matakbuhan.

Dead end.

Ayoko. hindi.

"Rrrggg..." lumapit sila saakin.

*Bang!* *Bang!* *Bang*

Isang tunog ng baril ang narinig ko. at isa isang bumagsak ang tatlo.

Nakita ko si Mr.  Diaz, principal namin.

"Ms. Petilla?"

Nanginginig akong tumango.

"Tara na... alis na tayo.."

Agad naman akong sumama. Bumaba kami at dali dali kaming tumakbo papuntang parking lot. May iilang humabol saamin pero dahil sa baril na dala ni Mr. Diaz ay hindi naman kami nito na abutan. Pinapasok niya ako sa bus nakita ko na merun ding ibang estudyante ang nakapasok dito sa loob.

"Ahhhhhhh!!!..."

Nakita ko na may isang  babae ang hinahabol ng karami raming___

"...zombies.." rinig kong sabe ng isang estudyante.

Napatingin ako, isang babae at nakaeyeglass ito.

Zombies.

Sa pagkakaalam ko sa mga teleserye o di kaya'y mga palabas mo lang sila makikita pero sa reyalidad merun din pala.

"Tulungan natin siya..." sabe ko.

"Hindi. "

Nagulat ako.

"Pero Mr. Brandon.... estudyante din niyo siya!"

"Sabe ko hindi" tiningnan ako nito ng may seryuso sa mga mata niya.

"Ba't ba ayaw niyong-"

"Ms. Petilla tingin mo ba tanga ako?... May labing limang estudyante tayo na nandidito sa loob  ng bus tingin mo isasakripisyo ko sila para sa isang estudyante!"

Natahimik ako.... tiningnan ko sila isa isa, lahat sila takot, lahat sila gustong makaligtas. Napaupo ako...

Si Brian...

"Si Brian?!.. asan si Brian?!"

Walang umimik..

"Asan siya?!..."

"Wala na siya..." sabi ni Mr.Diaz.

"Hindi.... Hindi yan totoo..."

Nanginginig akong pumunta sa harap ng pintuan ng bus. Pero pinigilan ako ni Mr. Diaz.

"Bitawan mo ako..."

"Hindi. wag kang baba.."

"Bababa ako!!" umiyak na ako.

"Ms. Petilla wag kang magpakatanga!"

"Hindiiiii!! Si Brian?! Nandun si Brian!!"

Bubuksan ko sana kaso pilit na akong pinigilan niya.

"Paandarin mo na..." utos nito sa isang estudyante na nasa driver seat.

At umandar na nga yung bus. Mas lalo akong nagwala at nagpupumiglas pero mahigpit akong hinwakan ni Mr. Diaz.

"Brian! ... Briannnnnnn!!!!!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE ENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon