Prologue

4 0 2
                                    


"rrrrghh.....rrghhh"

"Wag!! wag!!!!...lumayo ka saken!!! lumayo ka saken!!" sigaw ng isang babae sa isang undead na pilit kumakapit sa binti niya, pinagsisipa niya ito ngunit walang epekto mahigpit pa rin ito nakahawak sa kanya.

"Waggggg!!!...waggg..." naiiyak niyang pagmamakaawa sa undead ngunit hindi ito nakikinig dahil wala na itong kakayanang kontrolin ang sarili dahil kumalat na ang virus sa katawan nito.

Tuluyan ng nakapatong ang undead sa babae at di alinlangang kinagat siya sa leeg.

"Waaag!!!..." panghihina niyang sigaw.

*TUGSH*

nagkalat ang dugo sa pader dahil hinampas ito ng isang binatilyo gamit ang isang baseball bat.

"Tu-tu-tulonggggg...." naiiyak na sabe ng babae.

Lumapit ang binatilyo sa dalagang duguan. Tiningnan nito ang bahaging kinagat ng undead.
Bakas sa mukha ng binatilyo ang awa.
Ipinatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng nanginginig na babae at ginulo nito ang buhok.

"Everything's fine..." ngiti nitong sabe sa babae.

Gulat man dahil nagawa pang ngumiti ng binatilyo sa kabila ng sitwasyon niya ngunit nakuha niya ang ibig sabihin ng binatilyo kaya't ngumiti din ito sa kanya at nanginginig na tumango.

"Close your eyes..."

dahan dahang ipinikit ng dalagita ang kanyang mga mata.
Nanghihinang tumayo ang binatilyo at dahan dahang itinaas ang baseball bat na kanina pa niyang hawak hawak. Sa una ay umayaw ito dahil nakita niyang tumulo ang luha ng babae ngunit nilakasan niya ang kanyang loob.

*TUGSH!*

malakas na hinampas ng binatilyo ang ulo ng babae. Nagkalat ang dugo sa pader at sa kanya.

Napapikit ito at napaluhod.

"Late na naman akong nakarating...sorry, I'm sorryy"
nangingiyak niyang paghingi ng tawad sa babae.

"rrggggg..rggggg...rggg" mayroong mga undead ng nagsidatingan...
tatlo o mga apat ang dumating.

Tiningnan ng binatilyo ang mga undead ng may galit at nanginginig itong tumayo at higpit itong kumapit sa baseball bat na hawak hawak niya...

Galit itong tumakbo papalapit sa undead.

"AGHHHHHHHH!!!!!!" isa isa niyang hinampas ng malalakas ang mga ito sa ulo...

Mas lalong dumami ang dugo sa uniform ng binatilyo.
Hingal na hingal itong napaluhod.

"Ba't nagkaganito?...." tanong niya sa sarili. Hinang hina itong tumingin sa labas ng bintana.

Kitang kita niya ang madugong eksena sa akademya na kanyang pinapasukan. Dati isa itong matahimik at maaliwalas na paligid ngunit kabaligtaran ang makikita mo ngayon. Makikita mo na magulo at puno ng sigawan at takbuhan sa bawat sulok ng paaralan. Nanginig ang kanyang buong katawan takot, galit, panghihinayang, lungkot, sabay-sabay niya itong nararamdaman kaya't para siyang mababaliw sa kakaisip.
Napasuntok na lang ito sa pader ng napakalakas kung saan dumugo ang kanyang kamay, hindi niya ramdam ang sakit. Napasandig na lang ito sa bintana.

"God... a-a-ano ba ang nagawa namin???"

THE ENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon