THE END 1.0

2 0 1
                                    

YOHAN

"Yohan..." ngiti niya akong tinawag.
Lumapit siya saken at kinuha niya ang aking kamay. May binigay ito saken na isang singsing.
Masaya ko siyang tiningnan.

Alam na alam ko ang eksena na ito mga bata pa kami noon.Kung saan ako at siya ay masaya, walang hadlang kami lang na dalawa ngunit pagtungtong namin ng unang taon sa hayskul, bigla siyang nag bago.

Hindi na ako nito kasama, hindi na ako nito pinapansin.

"Ba't ka ba biglang nagbago?!"
"Ano bang pake mo?!"
Nilapitan ko siya at hinawakan ko siya sa mga braso niya.

"Sabihin mo saken ano bang nangyare?"
Umiwas siya ng tingin at tumingin lang siya sa sulok.

"May problema ba dito?"
sabay kaming napatingin.

Kilala ko siya...
Siya si Brian...
classmate niya ito.

"Wala... walang problema" bigla niyang sagot.
Tumingin lang ako sa kanya.

Umalis na siya sa harapan ko at agad na lumapit sa kanya.
Nagulat ako ng hawakan niya siya sa bewang.
Malungkot na napatingin siya saakin at umalis na sila.

Hindi ko alam ang dahilan sa biglaan niyang pagbago. Simula noon madalas na akong napapasali sa mga away, dati rati ay matino akong estudyante pero dahil sa bagong pakikitungo nito saken kaya nagkaganito ako. Isang taon na ang nakalilipas ng di na ako nito pansinin.

Kahit nag iba ito ay parati ko pa rin siyang pasikretong tinitingnan.

"Psssstttt... pugo" napalingon ako kay Tiffany, the braniac. Napakaarte nito at masyadong madaldal. Tinaasan ko lang siya ng kiray.

"Lumilipad ka na naman sa kalawakan"

Hindi ko ito inintindi. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Nakita ko siya at kasama niya si Brian. Masaya silang naglalakad.

"Soooo... I was right, si Pat ang rason kung bakit pag minsan nagdedaydream ka"

"Ano bang pake mo?"

""You're so pathetic ang mga ganyang tao dapat itapon... ang hina hina mo"

"Siguro nga na mahina ako..." bulong ko.

"pft.....hahahaha"

Tiningnan ko lang siya ng may pagkaweirdo.

"Sorry, sorry...ngayon lang kasi ako nakakilala ng lalakeng nababakla... ewan ko sayo! at nagakakandarapa ka diyan sa babaeng yan!"

"Ewan ko rin ba..."

"Hm! dyan ka na nga!" sabay palo nito sa braso ko.

Lumakad na ito palayo saken.
Mga babae nga naman oh...

"Yohan!... Yohan, Yohan.." lumapit sakin nahumihingal si Ken.

"Guess what..."

"What?..."

"Nagkakagulo sa City..."

"Huh?"

"May nangyayaring kakaiba sa lungsod..."

"Anong kakaiba?"

Tumingin tingin muna ito sa paligid namin.

"Sabe ni papa may ninakaw daw sa Tyrox.... alam mo yung Tyrox di ba?"

Oo, Tyrox, isang kompanyang sikat sa bansa. Isa ito sa mga sikat na kompanya na nagproproduce ng gamot sa mga malubhang sakit, gumagawa din sila ng eksperimento para makahanap ng solusyon sa pagtanda. Yun bang papabagalin ang pagmature mo na kahit sengkwento anyos ka na ay mukhang bata ka pa rin, mga 15 yrs old pa rin ang itsura mo. Noong isang buwan nila ito sinimulan brinodcast ito sa TV kaya karamihan alam ito.

"Ken, alam mo namang wala akong hilig dyan"

"Bastaaaaa... makinig ka alam mo yung eksperimento nila di ba?"

"Alam naman yun ng lahat"

"Failed yung eksperimento..."

"Failed?"

"Oo..."

"anong koneksyon?"

"Yun nga eh... ibigsabihin yun ang dahilan ng pagkakagulo sa lungsod"

"Hindi ko makuha yung ibig mong sabihin"

Ngumiti lang ito saakin ng nakakatakot...

"Ihanda mo na ang sarili mo..."

Pinagpawisan ako sa sinabi niya...

"K-Ken??"

"AHHHHHHH!!!!..." pareho kaming napalingon.

ano yun?





THE ENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon