(Chapter 2) DREAMING--------------------------------------------------
Sa isang malawak na kagubatan.
Mga puno at bulaklak na tila nagkokompetisyunan sa kagandahan.
Maaliwalas na hangin na tila walang halong maduming hangin ..Mga ibon na humuhuni na tila isang musika sa pandinig .
Ngunit sa aking mga nasilayan isang bagay ang mas nakaagaw ng aking pansin.
Ang isang punong napapaligiran ng liwanag.. liwanag na pag iyong hinawakan ay ika'y masasaktan.
At mas lalo pa itong nagliwanag .
Isang bulto ang lumabas sa may liwanag . Sa tindig ,kurba, at kasuotan nya ay malalamang isang babae.Habang tumatagal papalapit ng papapit sa akin ang liwanag na yun.
Napatakip na lamang ako sa aking mata at nung maramdaman kong hindi na ganoon kaliwanag ay binuksan ko na.Isang bulto na kanina ay nasa may mahiwagang puno ay ngayon nang nasa 'king harapan na
.Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa sobrang liwanag..
'Scarlet!'- pati ang kanyang tinig ay parang musika sa aking pandinig.
Ngunit paano nya nalaman ang aking ngalan..
'Matagal na kitang hinihintay namin!'- wika nya. Hindi ko na narinig ang kanyang huling sinabi.
'Ano pong ibig nyong sabihin?"- tanong ko.
'Scarlet kailangan mo ng maghanda!'- may diin ang kanyang pagbanggit ng mga salita nung sinabi nya..
'Ano po? Bakit po??'- naguguluhan kong tanong sa kanya.
'Sa ngayon ay hindi mo pa maiintindihan. Ngunit darating ang takdang oras ay malalaman mo rin at sana sa takdang oras na yun ay matupad mo ang nakatakda sayo dahil sayo nakasalalay ang buhay ng nakararami!'-sabi nya.. kasabay nung ay ang paglamon sa akin ng liwanag..
'Anak kanina pa kita ginigising!'- sermon sa akin ni mommy..
'Sorry mom!'- wala sa sarili kong paumanhin dahil iniisip ko pa rin ang aking napanaginipan na wari'y totoo..
May nag-uudyok sa akin na alamin ko ngunit alam ko sa sarili ko na hindi ito totoo saan ka ba kasi makakakita na mga paru-paro na parang tao (referring to fairies) ..
Epekto lang siguro ito ng panonood ko at pagbabasa..
Pumasok na ako sa c.r upang gawing ang morning rituals..
Pagkatapos ay kinuha ko na ang gamit ko sabay sakay sa kotse dahil malelate na ako sa school..
As usual activity , quiz , homework.
Pagkatapos ng nakakapagod na araw ay makakauwi na rin..
Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang babaeng nasa aking panaginip
Isa pa ang gumugulo sa aking isipan nanaginip daw ako na parang may enerhiya na gustong lumabas sa aking katawan.
Parang totoo na ewan ngunit dalawang tao lamang ang makakasagot nito si mom and dad.
**********VOTE AND COMMENT
M.C>3💜💜💜💜
YOU ARE READING
VAMPS ACADEMY (Scarbrent)
VampirIsang eskwelahan na hindi nya akalaing nag eexist sa mundo. Nung una ay nawewirduhan sya sa mga estudyante doon. Pero di nya akalain na kabilang pala sya doon. Kakayanin nya kaya na malaman ang kanyang totoong pagkatao . Hindi lang sya basta dahil s...