My Beautiful Angel Chapter 1

3.8K 57 5
                                    

         TEXT CONVERSATION

INA MAGENTA:

Therese Mirabelle!

Ano na naman ginawa mo?

DAUGHTER THERESE:

Bakit ba, Ma?

INA MAGENTA:

Nag-text ang adviser mo, nasa guidance ka na naman daw kanina?

DAUGHTER THERESE:

Oho.

INA MAGENTA:

Anak naman! Magtino ka naman na!

Diyos ko kang bata ka ang tanda mo na high school ka pa rin!

DAUGHTER THERESE:

Ma, eto na naman tayo e.

Nag-over the bakod lang ako kanina. Wala akong ginawang masama.

INA MAGENTA:

Ano?? Aba Therese Mirabelle!! Babae ka anak! At hindi gawain ng babae ang mag-over the bakod sa loob ng campus.

DAUGHTER THERESE:

Ayan na naman yang tawag mo sa'kin e! Sabi na hong 'wag ninyo akong tinatawag sa ganyang pangalan Ma!!

INA MAGENTA:

Mabalitaan ko pa na na-guidance ka, papahintuin na talaga kitang bata ka!

DAUGHTER THERESE:

Ma, matagal na ko humihinto! Kayo lang ang apura papasok sakin sa school!

INA MAGENTA:

Aba't!! Anak ka talaga ng tatay mo ah! Sumasagot ka pa talagang bata ka!

DAUGHTER THERESE:

Sige na, Ma. May klase pa 'ko.

INA MAGENTA:

Siguraduhin mong nasa klase ka ngayon! Baka mamaya niyan nag-cutting classes ka na naman!

DAUGHTER THERESE:

Nasa school ho talaga ko Ma. I-text ninyo pa po si sir.

INA MAGENTA:

Mabuti naman anak.

Ano gusto mong miryenda pagdating mo?

DAUGHTER THERESE:

Kahit ano ho.

Bahala na ho kayo.

Ganito umiikot ang buhay ni Therese. Pasok, gimik, over the bakod. Trouble.

Himalang maituturing kung lilipas ang isang linggo at hindi siya madadala sa guidance. Sa katunayan, kilalang-kilala na siya ng guidance councilor sa eskwelahan nila.

Pinipili lang din niya ang subject na kanyang papasukan. Lagi siyang nakalista sa listahan ng mga nag-cu-cutting classes.

"There! There!!" tawag ni Benjo na kaklase niya.

"Ano?"

"Sama ka mamaya after ng Filipino subject?"

"Saan?"

"Saan pa ba? E di sa tambayan. Mag-o-over ulit kami."

"Pucha ka pala e! Kita mong kakalabas ko lang sa guidance e!"

"Bahala ka! Kami nalang ng tropa."

"Sa susunod nalang ako pare!"sagot ni Therese.

"Ano na naman ang pinag-uusapan niyo Miss Valencia at Mr. Rodrigo? Iniisip niyo na naman ba kung paano kayo makakapag-cutting?" tanong ng adviser nila na si Mr. Del Valle.

My Beautiful Angel (Sample Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon