My Beautiful Angel Chapter Two

2.3K 42 2
                                    


TEXT CONVERSATION

MR. CHRISTOF DEL VALLE:

Good morning Therese!

Bakit hindi ka na naman pumasok?

May sakit ka ba?

'Di ba sabi ko kahapon may long test kayo sa Science?

Ano na naman ba ang nangyari sa'yo?

THERESE:

May sakit nga ho ako.

Pasensiya na ho, ibagsak n'yo nalang ho ako.

MR. CHRISTOF DEL VALLE:

Hindi ka na talaga nagbago. Yung ibang bata nakikiusap para ipasa ng teacher.

Ikaw naman hinihiling mo pa na ibagsak ka!

THERESE:

Kasi alam ko naman ho na talagang hindi ako pang-pasa, sir.

MR. DEL VALLE:

Bukas pumasok ka.

Bibigyan kita ng pagkakataong makapag-exam pa ha?

THERESE:

Po??

MR. DEL VALLE:

Ayaw mo??

THERESE: Sige po. Sige po, sir.

•••••••••••

KURIMAW BENJO:

There!!!

THERESE:

Ano???

KURIMAW BENJO:

Bakit hindi ka pumasok??

THERESE:

Tatay kita???

KURIMAW BENJO:

Ha??

THERESE:

Tatay ba kita para magtanong ng ganyan??

KURIMAW BENJO:

Grabe naman 'to!

THERESE:

Ayoko lang pumasok, bakit??

KURIMAW BENJO:

Tinatanong ko lang. So saan tayo mamaya?

THERESE:

Huwag muna kayo sumama. Didiskarte muna akong mag-isa!

KURIMAW BENJO:

Ano balak mo??

THERESE:

Basta!!

KURIMAW BENJO:

Ano nga?? Baka matulungan kita!

THERESE:

Kulit mo rin e no? May iba kong kasama, kaya exit muna kayo.

KURIMAW BENJO:

Uyy!! Boylet ba??

THERESE:

G**o!!

KURIMAW BENJO:

Hahaha.

Hindi pumasok si Therese sa paaralan hindi dahil sa may sakit siya. Kung hindi dahil tinatamad lang siya.

My Beautiful Angel (Sample Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon