Author's Notes
Hello! I'm Marianne, an amateur writer. Ito yung unang kwento na ipa-publish ko sa wattpad. Sana ay magustuhan niyo at pasensya na po sa lahat ng wrong grammar dito (medyo mapurol na ang tagalog ko haha). Kung may comments po kayo, pwede niyo rin po akong i-tweet (@dreamingempathy). Maraming salamat po sa pagbasa nito, kahit yung summary o prologue lang nabasa niyo masaya na ako. Thank you very, very, very much! ( ´ ▽ ' )ノ
(This is not a Nashlene story btw, I just wanted to use them as Face Characters para maiba naman at Pinoy naman ang gamitin natin na FC. Bagay naman sila as cast ng main characters di ba? c:)
_______________________
Dahil sa Gayuma
Written by dreamingempathy (October 2013)
Prologue
Love is blind. Totoo yan. Siguro naman, halos lahat tayo ay nakaranas na umibig o kahit magkagusto lang sa isang tao. Minsan, ang nagugustuhan natin ay hindi naman naayon sa ating ideal person, pero may mga tao na nakasama ang ideal person nila. Di ba, kadalasan na naririnig ang tanong na “Ano ba ang nagustuhan mo sa kanya?” na siyang ikinatataka ng marami dahil hindi nila masagot ng maayos.
May mga sasagot ng dahil sa itsura or sa kanyang katauhan at pakikitungo sa iyo, ngunit mayroong din hindi malaman ang dahilan kung bakit nahulog ang loob nila sa taong iyon. Kaya naman nauso ang mga kataga na love is blind. Hindi ka sigurado kung kanino ka magkakagusto at kung ano nga ba ang nagustuhan mo sa kanya. Paminsan, pag magkasama kayong maglalakad ng iyong minamahal in slow motion and matching holding hands sa may park o sa mall ay magtitinginan ang buong sangkatauhan ng may bahid na pagtataka sa kanilang mga mukha at magbubulungan na “Sila ba? Hindi nga sila bagay!”.
Lahat tayo ay nagbubulag-bulagan dahil sa pag-ibig. May mga nagmahal ng manhid, may mga nanghahabol ng tao kahit hindi magkakagusto ang taong iyon sa kanila, may mga nangloko at nagpapaloko at may mga nagpapakamartir at hinahayaang masaktan ang sarili para sa kapakanan ng iniibig nila. At kapag pag-ibig na ang usapan, marami ding gumagawa ng kung anu-anong bagay dahil mahal nila ang isang tao at gusto nila na magkaroon ng happy ending kasama ng taong iyon. Minsan, nagiging insensitive at makasarili na tayo dahil gusto natin na tayo lang ang lumigaya at hindi natin napapansin na nasasaktan na natin ang ibang tao dahil sa ginagawa natin, o, ang mas malala pa ay nasasaktan na pala natin ang taong mahal natin.
May mga tao na gumamit ng anu-anong paraan para mapansin lamang ng isang tao at hindi nila napapansin na nagmumukha na silang tanga at katawa-tawa sa ginagawa nila.
Paano kung nagawa mo ang isang bagay na magpapasaya sa iyo kahit alam mong mali ito at labag sa kalooban mo dahil lamang sa pag-ibig? Ito ang nangyari sa akin. May gusto ako sa isang lalaking nagngangalang Jake ngunit hindi niya ako pinapansin – hanggang sa ginayuma ko siya. Naging masaya ako kahit panandalian lamang ito, ngunit, hindi ko naisip ang magiging kabayaran sa ginagawa ko.
You can’t buy love and happiness, but, you must be prepared to pay the price for loving someone.
BINABASA MO ANG
Dahil sa Gayuma
RomanceMinsan, nagagawa natin ang mga outrageous na bagay dahil sa pag-ibig. At isa sa mga pangyayari na ito ay ang gayumahin ang tao upang mahalin siya. Desperado si Cathy na mapansin ng long time crush niya na si Jake ngunit di siya pinapansin nito. Yun...