Author’s Notes:
Hello everyone! I hope you guys are doing well!
Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nagbasa ng Dahil sa Gayuma, it makes me so happy. u v u
Pagpasensyahan niyo na ang kakornihan ko pati mga maling grammar at spelling ha?
So, magsimula na tayo sa kilig portion ng JaThy (Jake x Cathy). Ito na talaga ang totoong moments nila at ang panahon na makikilala nila ang isa’t isa ng mabuti.
Siyanga pala, Jake’s POV will start at the start of the chapter until where Cathy’s POV ended.
Enjoy reading!
- Rian
______________________
Cathy’s Point of View
Ang hirap talaga ng buhay-estudyante dahil ang dami mong mga responsibilidad hindi lamang sa paaralan at sa grades mo, kasama na rin ang responsibilidad sa pamilya mo.
Bilang isang mabuting tao, ginagampanan ko ang tungkulin ko na maging mabuti at responsableng mag-aaral. Kahit hindi ako matalino, nag-aaral ako, o napipilitang mag-aral dahil sa utos ng mga magulang ko at dahil nasa section 1 na ako.
Nung nasa mababang section pa ako, wala akong masyadong pakialam sa grades o sa pag-aaral dahil ayos lang kung babagsak ka sa ilang quizzes at exams, papasa ka pa rin kahit pasang-awa na lang. At uso sa klase namin ang mga katagang “Babawi na lang sa susunod”.
Ngayon, hindi pwede na hindi ako mag-aral. Bukod sa magiging mababa ang makukuha kong marka kapag hindi ako mag-aaral ay pagtatawanan at pagtitinginan ako ng buong klase at magtataka sila kung papaano napunta sa section 1 ang isang kagaya ko. Kaya naman kumukopya na ako ng mga lessons namin, nag-aaral ng husto para sa susunod na lesson namin at hindi lamang dahil may exam bukas, pinipilit kong makasagot kapag may recitation kahit napakamahiyain ko (Bahala na kung mali ang sagot, at least I tried!), hindi na ako umaabsent sa klase kahit andun si Jake at gumagawa na ako ng assignments. Nakakahiya naman kung nasa section 1 ka tapos babagsak ka dahil tatamad-tamad kang mag-aral. Pagagalitan din ako ng tatay ko kung mababa ang marka ko ngayong taon.
Speaking of assignments, pumunta ako ng maaga ngayon dahil sa isang rason – ang hirap ng binigay na assignment sa amin sa Math! Take note, hindi ko nakalimutan ang assignment ko, sadyang mahirap lang talaga ito at ang dami ko nang nasayang na papel kagabi sa kakasagot nito. Kawawa naman ang mga puno na pinutol para gawing one whole intermediate pad paper, ginawa ko lang basura dahil sa nakakainis at nakaka-frustrate na assignment sa Math.
Kaya pumunta ako ng maaga ngayon para humingi ng tulong kay Bianca. Pero, wala pa ang bruha! Mga six-twenty three pa lang sa umaga (O di ba, ang aga ko? Extra effort ako na gumising at pumunta ng maaga ngayon!) at lima pa lang ang tao sa loob. Hindi ko pa kilala ang mga iyon kaya nakakahiya na magtanong sa kanila. Saan na ba kasi ang bruhang iyon? Tinawagan ko naman siya kagabi at sinabi ko na pumunta ng maaga. Sasagot pa siya ng oo pero wala pa naman siya.
“Kakainis naman ang assignment na ‘to! Argh!”
Binura ko ang sagot ko. Hinawakan ko ang ulo ko sabay tingin sa baba. Wala na, wala na akong mapapasang assignment ngayon. Sino ba kasi ang nag-imbento ng equation of a circle? Pinapahirapan niya ang buhay ko ngayon! Sana naghihinagpis na siya doon sa kabong niya at sana nagrerebelde na yung ibang mga multong nahihirapan dahil sa equation niya!
Hay naku, hindi ko na lang iisipin yun, baka multuhin pa ako. Pero, huhu, paano na ang assignment ko? Paano na ang responsibilidad na ibinigay sa akin bilang isang mag-aaral sa section 1? Huhuhu, sana may mahulog na sagot galing sa langit!
BINABASA MO ANG
Dahil sa Gayuma
RomanceMinsan, nagagawa natin ang mga outrageous na bagay dahil sa pag-ibig. At isa sa mga pangyayari na ito ay ang gayumahin ang tao upang mahalin siya. Desperado si Cathy na mapansin ng long time crush niya na si Jake ngunit di siya pinapansin nito. Yun...