Potion 3

96 0 0
                                    

Author's Notes: Hello po! Andito na yung Chapter 3 ng DSG! Sana magustuhan niyo po! \(^▽^)/

Sa lahat ng nagbasa nito, maraming salamat po, kahit dinaanan niyo lang ito o yung summary lang ang binasa niyo, maraming salamat po! Sana patuloy na basahin at suportahan niyo ito!

Disclaimer: I don't own any of the brands presented here.

______________________________

Kung may isang bagay na pwede kong hilingin, hinihiling ko na sana ay kampihan na ako ng tadhana. Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito sa akin?

Oo, alam ko naman kung ano ang ginawa ko ngunit tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung bakit ba ‘to nangyayari.

Nagkaroon nga ako ng pagkakataon na makausap si Jake at humingi ng tawad sa kanya ngunit hindi naaayon sa gusto ko ang nangyari. Mas lalo lang siyang nagalit sa akin.

“Don’t make me laugh. Walang magagawa ang sorry mo! Kahit anong gawin mo, hindi kita mapapatawad!”

Sa tuwing bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi niya ay kumikirot lang ang puso ko. Alam ko naman na nakagawa ako ng isang malaking kasalanan at matagal ko iyong pinagsisihan. Kaya nga gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko pero tama nga siya. Hindi mapapantayan ng isang sorry ang lahat ng iyon.

Nagbuntong hininga ako at tumingala. “Nakakalungkot naman...” bulong ko sa sarili.

“Pasensya na sa nangyari bestie.” Tinapik ako sa balikat ng best friend ko at ngumiti ako sa kanya ngunit pilit na ngiti lamang iyon.

“Okay lang bestie. Nagawa ko nang humingi ng tawad sa kanya ngunit hindi naman niya tinanggap iyon. Ganun ba talaga ang galit niya sa akin sa puntong hindi niya na ako mapatawad?”

Nakayuko ako at sinubsob ko ang mukha ko sa mga binti ko habang niyayakap ang mga binti ko. Naramdaman ko na hinahaplos ni Bianca ang kamay niya sa likod ko.

“So, ano na? Hahayaan mo na lang ba ang nangyari?”

Napaisip ako sa tanong niya. Ano na nga bang gagawin ko? Hahayaan ko na lang ba na dito na magtatapos ang lahat? Na hindi na ako susubok pa at kausapin siya muli?

Kung wala akong gagawin, patuloy lamang na magagalit si Jake sa akin at hindi ko kaya iyon. Bumibigat ang nararamdaman ko sa dibdib ko sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya at sa tuwing tinititigan niya ako ng masama. Ayoko na patuloy na magagalit siya sa akin, na hindi na niya ako magawang patawarin. Ayoko na hayaan na lamang ito at wala akong gagawin.

Tinaas ko ang ulo ko at tumingin kay Bianca. “Hindi...hindi ako papayag. Alam kong galit pa siya sa akin at sinabi niya hindi niya ako mapapatawad ngunit gagawa ako ng paraan para mapatawad niya ako.”

Ngumiti si Bianca. “Sigurado ka ba diyan, Cathy?” Tumango ako at saka sumagot. “Oo, sigurado na ako. Gagawin ko ang makakaya ko upang mapatawad niya ako,” wika ko na may determinasyon sa tono at mata ko, “Susubukan ko hanggang sa huli.”

Tinapik ako ni Bianca sa likod. “Good luck, bestie!”

Kahit parang walang pag-asa ay hindi na magbabago ang pasya ko. Gagawin ko ang lahat-lahat. Ayokong manaig ang galit niya sa akin dahil naging tanga ako. Hinihiling ko na sana ay kampihan na ako ng tadhana sa desisyon ko, kahit sa gagawin ko man lang.

Mga tatlong linggo na ang nakaraan ngunit hindi pa ako nakaisip ng paraan kung papaano ako makakabawi kay Jake. Baka sa isang maling hakbang sa gagawin ko ay mas lalo lamang siyang magagalit at iiwasan ako hanggang sa mawalan na ako ng pagkakataon. Hindi ko hahayaan na may magawa akong mali kaya nag-iingat ako sa mga kinikilos ko.

Dahil sa GayumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon