Baek Eun Jo's Diary Entry 1 (2-4) My brother is weird

748 14 0
                                    

Ang wi-weird ng mga tao ngayon...si mommy, si kuya, si Ha Ni...lahat sila ang weird.

~~~

Kanina pagkarinig ni kuya na nawala yung online application ni Ha Ni sa university dali-dali syang tumayo at pumunta sa kwarto ni Ha Ni.  Si Ha Ni naman umiiyak na at 'di mapakali sa takot na na-erase yung application nya.  Syempre genius si kuya kaya na-retrieve nya yung file ni Ha Ni.  Pero ang weird lang ni kuya kasi nagbabasa sya ng favorite book nya nung nangyari yon.  Dati kasi, ni hindi man lang ako tinitignan non pag kinakausap ko sya habang binabasa nya yung favorite book nya pero kanina nung marinig nyang nag-iingay si Ha Ni dahil nawala yung application nya, mabilis pa sya sa alas-kwatro na tinulungan ang babaeng yon.  Ang weird pa, dapat pagkatapos nyang inayos yung computer eh lumabas na sya ng room.  Pero hindi, imbes na umalis at bumalik para basahin yung favorite book nya, umupo lang sya dun malapit sa kama ni Ha Ni...nakakapanibago!

Hindi ko maipaliwanag para meron akong nararamdamang kakaiba...hindi ko alam kung ano yon pero meron talagang iba at hindi ako mapakali dahil do'n.

~~~

Lately si kuya nakikita kong tumatawa ng walang dahilan.  Ang lamig-lamig kaya pero binubuksan pa rin nya ang bintana.  Kahit sabihin ko sa kanyang nilalamig ako, umaakto syang parang hindi ako naririnig.

Minsan nakita ko syang parang ang lalim ng iniisip nya pero maya-maya tatawa na lang sya habang tumitingin dun sa tinidor at card na bigay ni Ha Ni.  Eh ang unti lang naman ng nakasulat dun sa card - 8 words lang yata yon, kung ako yon tapos ko na yong binasa.  Bakit kaya ang kuya kong genius e parang paulit-ulit pang binabasa yung card habang kinakain yung bigay ni Ha Ni tapos ngingiti na lang?  Nakita ko pang maingat nyang tinago sa drawer nya yung tinidor na may ribbon pa at saka yung card.

Nakakapanibago...

~~~

Talagang hindi na ko mapakali sa ka-weirduhan ni kuya ngayon na pamaya't-maya ay tatawa na lang mag-isa.

At ewan ko pero may kakaiba rin akong nararamdaman dito sa laging pakialamerang si Oh Ha Ni.

Kanina si kuya ilang beses pabalik-balik sa banyo.  Nakita ko na sya kanina na naligo pero ngayon naligo na naman yata sya.  Tumawag yung kaibigan yata nya yon pero sabi ni kuya busy sya today.  Si mommy naman habang kasama ako ay tumawag kay kuya at sinabi na nasa theater sya at di sinipot ng kaibigan nya kaya gusto nyang magpasama kay kuya.  Huh? Sabi ni kuya kanina busy daw sya pero ngayon um-oo sya kay mommy.  Sabi ni mommy ang galing daw nyang artista at napaniwala si kuya.

Pero alam ko ang totoo...

Alam ko kung bakit ilang beses nag-shower si kuya...kung bakit sinabi nya sa kaibigan nya na busy sya today...

Akala ni mommy alam nya ang lahat tungkol kay kuya pero parang wala talaga syang kaalam-alam kung ano ang nangyayari.  Sa tingin ko ay hindi pumunta si theater si kuya dahil nakumbinsi sya sa acting ni mommy...kawawa naman si mommy, wala syang alam sa mga nangyayari.

Diary ni Baek Eun Jo (Playful Kiss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon