Baek Eun Jo's Diary Entry 3 (1-2) They are playing newlyweds

590 16 2
                                    

Bakasyon na...nagtatrabaho ngayon si kuya sa isang pension house.  Gustong sumama sa 'kin ni Ha Ni na bisitahin si kuya.  Super excited sya at lagi akong kinukulit ng paulit-ulit - minarkahan pa nya yon sa kalendaryo.  Pero gusto ko ring makita talaga si kuya kaya sinabi ko na lang kay kuya na sinundan lang ako ni Ha Ni nung bisitahin ko sya kahit ang totoo kasama ko talaga sya.

~~~

Yung isang katrabaho ni kuya pinasama kami ni Ha Ni sa isang game.  Paramihan daw ng stamp na mako-collect dun sa may bundok.  Sayang, gusto ko yung magandang babae ang partner ko pero napunta sya dun sa katrabaho ni kuya at sa kamalas-malasan eh si Ha Ni pa ang naka-partner ko.

Naligaw kami dun sa may gubat sa bundok bago gumabi.  Dinig na dinig namin ni Ha Ni ang pag-alulong ng mga hayop kung saan-saan.  At ang mas masama pa, nanginig na si Ha Ni sa takot.  Kahit alam kong takot na sya, hindi pa rin sya nag-panic at nagsumigaw bagkus ay hindi sya nawalan ng pag-asa na mahanap namin ang daan pabalik sa pension house.

Ngayong araw na ito naipakita ko kung ga'no ako kahanga-hanga bilang lalake.

Parang ako pa ang lumabas na mas matanda kesa kay Ha Ni kahit na mas matangkad sya sa 'kin.  Naramdaman ko ang panginig nya sa takot at lamig at dun ko na-realize na dumidilim na talaga at mas mahirap para sa amin na mahanap ang daan pabalik.

Mukhang hindi handa si Ha Ni sa kahit na ano.  Mabuti na lang nag-boy scout ako kaya alam kong dapat laging maging handa sa lahat ng bagay.  Nagdala ako ng pagkain at kumot na ishi-nare ko kay Ha Ni.  Bumilib naman si Ha Ni sa 'kin dahil handa raw ako sa ganitong pagkakataon kahit na bata pa ako.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko pero pinrotektahan ko si Ha Ni at hindi sya hinayaang matakot, manlamig at magutom sa buong oras na nando'n kami.  Si Ha Ni na makulit, na kinaiinisan ko, ay nagawa kong proteksyunan hanggang nahanap na kami ni kuya sa gitna ng kawalan.

~~~

Sa pamilya namin, may mga kanya-kanya kaming hobby.  Gumising ako ng maaga at sinamantala ang pagkakataon habang nandito pa kami sa pension house para gawin ko ang hobby ko na manghuli ng insekto.  Nakita ko si Ha Ni na nakatulog sa isang bench; siguro hindi sya masyadong nakatulog kagabi kasi may parang lasing na maingay kagabi kaya pati ako nahirapang matulog.

Nung nanghuhuli ako ng mga gold insects, dahan-dahan din akong lumapit kay Ha Ni.  Ilang hakbang na lang at malalapitan ko na sya pero...teka lang...si kuya ba 'yon?  Bakit sya naglalakad papunta sa natutulog na si Oh Ha Ni?  Aasarin din kaya ni kuya si Ha Ni tulad ng iniisip ko?  Well, mas magaling mang-asar si kuya kaya siguro mas magandang magtago na lang ako para mas makita ko kung ano ang gagawin ni kuya.  Nakita kong nakalapit na si kuya at tintitigan si Ha Ni at biglang umupo sa tabi nya na hanggang ngayon ay tulog pa.

Hinalikan ni kuya si Ha Ni!

Uh?...Errr?...hindi ako makapagsalita at para akong na-freeze sa pagka-shock ko sa napanood ko.

Gusto ba talaga ni kuya si Oh Ha Ni?  So tama ang pakiramdam ko?

Kaya pala gabi-gabi na lang tinitignan ni kuya yung tinidor na bigay ni Ha Ni habang nakangiti at tumatawa sya sa loob ng kuwarto namin.  Nung araw na tinawagan sya ni mommy sa musical date kuno nila, pumunta si kuya kahit sinabi nya sa kaibigan nyang busy daw sya.  Nung gabing yon, nakita ko rin si kuya na tawa ng tawa sa sarili nya.

Talaga?  May gusto si kuya kay Oh Ha Ni?  Kumpirmado na!!!

Si Ha Ni naman nahalikan na't lahat, tulog pa rin at walang kaalam-alam sa nangyari.  Nakita ko pa syang iminulat ang mata nya at halatang wala talaga syang idea kung ano ang nangyari.

~~~

Nasa hospital si daddy dahil sa sakit nya sa puso at binabantayan sya do'n ni mommy.  Nitong nakaraang araw, parang tubig lang itong si Ha Ni - alam na alam mo kung may pinaplano, masyadong transparent.  Every morning, nagpapanggap si Oh Ha NI na asawa ni kuya at ginagawa nya ang ginagawa ni mommy kay daddy tulad ng pag-aasikaso at paghahatid sa pinto bago pumasok si kuya sa trabaho.  Pag-uwi naman ni kuya, sobra namang maka-asikaso ulit si Ha Ni, kinukuha pa ang damit ni kuya at sinasabihan syang maligo na...grabe na si Ha Ni kung makapanggap na asawa ni kuya, hindi na nakakatuwa.

Kung hindi ko lang alam, pareho silang nagpapanggap na parang mga bagong kasal.  Kasi pati si kuya nakakapanibago - ni wala man lang ginagawa o sinasabi para suwayin si Ha Ni sa mga pinag-gagagawa nya.  Ginagawan pa kami ni Ha Ni ng baon at kinukuha pa yon ni kuya kahit hindi naman masarap.

Nung nawala kami sa bundok at gitna ng gubat ni Ha Ni, nakita ko kung ga'no nag-worry si kuya kahit nag-try syang itago yo'n.  Halata ang matinding pag-aalala nya sa amin ni Ha Ni bago nya kami nahanap.

Si Ha Ni at si kuya, masyado ng malapit sa isa't-isa.  Lagi na lang silang magkasama sa mga ginagawa nila; pati yung pagbisita sa 'kin sa hospital dati sabay din sila.

Kulang na lang sabihan ni Ha Ni si kuya ng 'Honey'... hindi na ko natutuwa dito sa dalawa!

~~~ 

Hindi pa ako marunong magluto pero ang alam ko lang ay bago ka mag-serve ng pagkain sa iba, dapat ay tikman mo muna ang luto mo.  Si Ha Ni wala talagang talent sa pagluluto; kung walang lasa ang pagkaing niluto nya, lasa naman itong asin.  Kahit yung taro ang weird ng tunog kapag kinain mo dahil hilaw pa.  Ang weird talaga ng luto ni Ha Ni - kung anong pinagha-halo-halo nya na lalo lang pinapapangit ang lasa ng pagkain.  Hindi talaga ako makakain, pinilit ko lang ang sarili ko kasi sabi ni kuya kainin ko.  Wala tuloy akong makain na matino ng dalawang araw.

Diary ni Baek Eun Jo (Playful Kiss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon