Present Time
Nicole's POV
Hindi ko halos maimulat ang mga mata ko. Eh paano ba naman, sobrang paga! As in sagad!
Iyak kasi ako ng iyak! Hanggang ngayon di ko pa rin matanggap ang lahat!
Ako si Nicole Idearyne Cabrera. 19 years old at nag-aaral sa Silverwood Academy. Ultimate ulila. Walang Lolo: namatay sya nung dalawang taon pa lang ako dahil sa sakit sa baga. Walang Lola: sakit sa puso naman ang ikinamatay ni lola. Walang Nanay: sakit din sa puso na parang nasa dugo na namin ang sakit at hanggang ngayon ay di ko parin matanggap kahit mag-iisang linggo na nang ilibing sya. Walang Tatay: sabi ni mama nung bata pa ako, mayaman daw ang tatay ko, gwapo at mabait. Mahal nya si nanay kaso echos ang lola ko kasi gusto nya na mayaman din ang makatuluyan ni Papa para sa negosyo nila. Ngayon, makikilala ko na sya. No choice eh kinukuha na nya ako. Di ko alam kung dahil ba wala na si mama at wala nang mag-aalaga sa akin o may iba pang dahilan.
May iniwang sulat si mama kay Tiya Linda, yung tsismosa naming kapit bahay.
Binuksan ko ito at binasa.
Dear Nicole,
Anak mahal na mahal ka ni nanay. Lagi mong tatandaan yan hah. Ayoko nang magpaligoy ligoy pa. Di ko alam kung masasabi ko pa ito sa iyo ng personal o hindi na.Anak...may kakambal ka...Siya si Nika Idearyne Cabrera EVANS... Hanapin mo sya at ang tatay mong si Eldearin Evans. Pasensya ka na kung naitago ko. Ang kulit mo kasing bata eh. Baka mahilo lang ako. Ikaw pa naman pag may nalaman sobrang kulit at tanong ng tanong. Hay! Sana matanggap ka ng pamilya nya ngayon. Sana maging kaclose mo ang kakambal mo. Sana rin ay di sya nagtatampo sa akin dahil di ko sya nabalikan. Alam mo naman na wala tayong pera kahit pang barko lang.
Basta anak mahal na mahal ko kayo!
Nagmamahal,
NanayKinandado ko na ang pinto. Di ko maiwasang mapaluha habang umaalis ng bahay. Bahay kung saan ako lumaki at nandito rin mga alaala ko kay nanay. Pumara ako ng tricycle at nagtungo sa terminal ng van. Nang makarating ako doon ay nag-iisa pa lamang ako na pasahero at hindi makakalis ang van ng hindi puno. Saglit kong kinuha ang wallet ko at tiningnan ang natitira ko pang pera. Kailangan ko itong tipirin dahil di ko alam kung magkano ang pamasahe sa barko. 10,000 ang ipinadala nya sa akin. Mayamaya pa'y may dumating pang isang pasahero. Lalaki. At Gwapo!! Lalo syang gumwapo dahil sa makapal nyang kilay. Natulala ako sa gwapo nyang mukha.
