Chapter 1

15 0 1
                                    

1997

Perla's POV
"Eldearin....Eldearin, buntis ako!"
Mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya.

"Akong bahala. 'Wag kang mag-alala dahil ipagtatanggol na kita kay Mama" sabi nya habang yakap ako at hinihimas-himas ang likod ko dahil iyak ako ng iyak.

"Pero alam mo namang ipapakasal na kayo nung Merry Delly na yun!" Tama...tama ang nabasa nyo...

Kahit kailan ay walang laban ang hampaslupang katulong na gaya ko sa isang mayaman at magandang gaya nya.

Hindi naman patas eh. Ako ang mahal nya. At hindi ang babaeng yon! Bakit ba kasi kailangan pang isaalang-alang ang sariling kaligayahan para sa kayamanan ng pamilya!

Kaso wala kaming magagawa dahil di kami pareho ng estado sa buhay... Mansyon ang kanya, kubo lang ang akin. Kompanya ang kanya, tanim sa bakuran lang ang akin. Isa syang prinsipe at isa lang akong maduming tao na mamantsahan lang ang apelyido nya!

Pero kahit wag na lang ako, kahit ang mga anak lang namin ang tanggapin nila. Oo. Kambal ang anak namin at kabuwanan ko na! Pero kahit gustuhin namin ay di maaari dahil sa FIXED MARRIAGE na yan! Hmf!

***********
"Eeldeeeearin!! Manganganak na yata akooo!" Sigaw ko habang tinitingnan ang tubig na umaagos mula sa aking katawan!

"Perla! Saglit lang!" Binuhat nya ako paibaba at isinakay sa sasakyan nya.

H-O-S-P-I-T-A-L

"Ma'm, paki sulat na lang po ng pangalan ng mga bata!"sabi nung nurse habang inaabot sa akin yung papel

Nicole Idearyne Cabrera Evans
Nika Idearyne Cabrera Evans

Yan ang sinulat ko! Isinunod ko ang "Idearyne" sa Eldearin

Tuwang-tuwa siya habang kalong kalong ang anak namin! Kahit parang hirap sya para mahawakan ang pareho naming anak ay ayos lamang sa kanya!

Nga pala! Naalala ko yung kaibigan ko sa Probinsya na si Linda! Katulong din sya nina Eldearin! Alam kong kahit nangako sya sa akin ay di pa rin nya mapipigilan ang sarili nya na ikwento sa mga taga- Barrio namin ang nangyari sa akin! Tsismosa yun eh! Naalala ko pa nga eh....

Flashback

"Eldearin, dalawang buwan na akong buntis at nililihim pa rin natin to!" Sabi ko sa kanya habang hawak ng kanang kamay ko ang tiyan ko at ang kabila naman ay sa braso nya.

"Sasabihin na natin kay mama to!" Sabi nya at niyakap ako!

Booogszz!!!(Isipin nyo na lang may bumagsak)

"Ano yun?!"tanong ko.

"May tao ba dyan?!" Tanong ni Eldearin

Pinuntahan nya ang pinangggalingan ng tunog at yun na nga!! JACKPOT

"Linda?" Gulat kong tanong!

Nagtatakbo sya at yun sinabi nya kay Ma'am ang lahat!

End of Flashback

Hanggang ngayon ay ayaw pa rin ng nanay nya sa amin dahil pera lang daw ang habol ko!

Hinalikan nya sa noo ang mga anak namin at itinabi sa akin.

Mayamaya pa'y....

"Anak!" Naagaw nun ang atensyon ko dahil kilala ko ang boses na yun kaya naman napatingin agad ako sa pinto.

Pagpasok ni Nanay ay lumapit sya sa akin.
"Iuuwi na kita sa Mindoro!"

Napatingin ako sa gilid nya.....si Tatay!

Lumingon sya sa gilid ko.

"Hayop ka! Matapos mong buntisin ang anak ko at nalaman ng matapobre mong ina ay malalaman kong di mo talaga sya kayang ipaglaban!" Kasabay ng sigaw ni tatay ay ang pagsuntok nya kay Eldearin

Pinasakay ako ni tatay sa wheel chair at inilabas ng hospital.

Pagkalabas namin ng hospital ay naalala ko ang aking mga anak.

"Tay yung-"

"Nandito na ang ANAK mo"

Walking B💟💟klet's Note

Eto na po ang first chapter ! At sana wag po kayong masyado mainip para sa 2nd dahil ang inyo pong baliw na author ay nag-aaral pa at nasa Special Curriculum kaya naman mas maraming subjects ang aasikasuhin at hahabulan ng grades😅
  Hehe kaya tiis tiis po tayo😘

Because I Am Not HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon