Dumating yung isang nagtatrabaho dito sa ferry tapos kinausap sya!
"Seeeer! Huwat hapind tuyu?! Huwaat's that slimyyyyyy thingyyyy in your kowt?!"
Ang arte naman nito!
"There's nothing to worry about! This mucus can't kill me anyway! And besides it's an accident!"
"Yah, Aksidente lang yun noh! Mas maarte ka pa sa nalagyan ng sipon eh! Dun ka na nga! May nagsusuka nang pasahero dun oh! Ientertain mo naman! Tingnan mo nga yang uniporme mo: GABI Ferry! Where you feel at home! At home ba yan hah?! Hala sige dun ka na nga tsupe! Dun dun! " sabi ko
Ang sama tuloy ng tingin nito sa akin! Kumuha naman ako ng panyo at pinunasan yung sipon ko sa damit nya!
"It's okay. I have my extra shirt at my bag!" Sabi nya at ngumiti...
Geeez! Mali. Maling galawan yun!
Umalis muna sya..
Pagbalik nya naka t-shirt na syang cream!
Nakaramdam ako ng antok....
At.....
"Hey, wake up sleepy head! We're already here! "
Nagising ako at naramdaman ang leeg kong basa!
Noong una, akala ko talaga pawis yun. Laway ko pala ...hehehe..malay ko ba?! Di naman sinabi eh....
Pinunasan ko agad yun!
Hanubayan! Andami kong panis na laway.. Pwe.. Nakakasuka..
Agad akong tumayo dahil excited na akong makasakay sa kotse!
Perstaym ko eh!
Takbo ako papunta sa labas...
Sa sobrang pagmamadali ko nakalimutan ko nang magpaalam kay Gaune at
Posibleng yun na ang huli naming pagkikita!
Sumakay na ako sa Royce Rooley na naghihintay sa akin...
Pinagbuksan pa ako ng pinto nung mga lalaking naka polo na blue at naka shades.
Pagtingin ko sa shades ni kuya.....
O.o
What the-
Mamahalin yun ah!
Mukhang mayaman nga talaga ang tatay ko ah ... Alalay lang ang mahal pa ng shades!
Ang lakas na aircon!
Bigla akong nakaramdam ng antok!
Teka, alam ko tong modus na to ah! Yung may pampaantok yung iniispray sa aircon... Tapos makakatulog yung pasahero... Tapos .... Tapos....
"Kuya, ano yan?! Modus to noh?! Bakit ako inaantok? Budol-Budol Gang kayo noh?!"
Nagtawanan bigla sila! Pffft..
Bigla akong nakaramdam ng pagbigat ng talukap ng mata ko.....
>>>------------------❤-------------------->
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko ng naramdaman kong tumigil na ang kotseng sinasakyan ko..
Pinagbuksan uli ako ni kuyang naka airplane mode..---dahil sa panot sya... Hahah sorna koya!
Dinala naman nung isa yung mga gamit ko!
Pagpasok ko nakaabang na ang isang lalaki... Mahahalata mo sa kanyang propesyonal na syang tao... Naka pormal siyang damit....