Case 25: Silent Night

16 0 0
                                    

Sa kabilugan ng buwan, napuno ng katahimikan ang bumabalot sa site, Maliban sa mga asong gala na binabasag ang katahimikan ng gabi.

Sa kabilugan ng buwan, at sa bawat buwan na sumisilip sa mundong ibabaw upang pagmasdan ang bawat nilalang na namumuhay dito. Saksi ang buwan sa lahat ng nangyayari, kung makakapagsalita lang ito, marahil lahat ng bawat nilalang ay mamumuhay ng payapa at puno ng kasaganahan.

Ngunit tila mapaglaro ang tadhana, muli, ngayong gabi saksi ulit ito sa isang pangyayari na tatatak kay sa pagkatao ni Raizel dela Cruz.

6hours ago,

"As all of you knows, I called this meeting to inform that we have finally tracked down the culprit who all we know the masked. Kung makikita niyo ito ang ating suspect at tandaan niyo ng mabuti ang mukha nito. At para sa buong detalye si Detective Raizel ang magsasalita para sa planung paghuli nitong suspect." Sa pagtatapos ng short breifing ni Martinez siya namang agad nagsalita si Raizel.

"Ok, gaya nga ng sabi ng ating hepe, nalaman na natin ang suspek sa mga nangyayaring snuff video at ito ang taong ito..." sabay pindot ng remote at agarang lumabas ang imahe ng isang lalake, "Guys tandaan niyo ng mabuti ang mukha ng taong ito. Dahil sa magiging operasyon natin may posibilidad na matatakasan tayo nito, dahil naniniwala ako sa lugar na ito ay may isang lihim na lagusan..."

"Sir?" tawag ng isang police na isa sa mga kasapi ng special forces na kasama sa magiging operasyon, "sir, kung kilala na natin? Bakit hindi pa natin hulihin ngayon? Para matapos na."

"Yes, kahit ako gustong gusto ko nang lagyan ng posas ito, pero kahit haloghugin natin ang buong city of angels ni anino ng taong ito hindi natin makikita." Sagot ni Raizel,

"Pero sir, diba alam na din natin ang location ng taong ito?" Tanong naman ng isa pang police na isa sa anim na special forces.

"Yeah, naintindihan ko kung ano ang gusto niyong sabihin, at naintindihan ko nagtataka kayo, the main reason why i called this meeting because the killer already knows that we are coming for him. At may malaking posibilidad na paalis na ito ng city of angels as we speak..."

"Kung ganun sir dapat na tayong kumilos para hindi tayo matakasan."

"If we do that right now, wala na tayong pagkakataong mahuli ang taong ito at tuluyan nang makawala." Dagdag pa ni Raizel.

"Shit!"

"Easy! No worries, i have a plan. Now listen, 6hrs from now, at 2am this man will comeback at the scene where he killed the worker and left the dead body of this poor girl... Now, kinontak ko ang foreman ng site para masagawa natin ang operation but i want all units to be standby and do a perimeter 100meters away from the site and secure every corner na pwedeng malusutan kahit pinakamasikip na lagusan takpan. And i want to put snipers..." sabay turo sa mapa, "dito, dito, at dito." At lahat naman ng mga snipers ay nag agree sa location kung san sila pupwesto. "While me and my partner will enter the hostile zone, no one will do a thing until i give the signal. Are we all clear?"

"Yes Sir!" sagot ng lahat sa pagtatapos ng binigay na utos ni Raizel at mula doon agad namang naghanda ang lahat at nag-gear up para sa paparating na operation para mahuli ang suspect.

at exactly 12am nagkapwesto na ang lahat at papasok na ng palihim ang dalawa sa site. Ng makapasok agad pumunta si Maria sa tinuro ni Raizel kung san siya pupwesto at doon yun sa underground parking lot ng pinapatayong gusali.

"Raizel, mag-iingat ka ha." Payo ni Maria.

"Yeah, ikaw din, at promise me wag ka basta basta sumugod na wala ako, hindi natin alam kung ano pa ang kayang gawin ng taong ito." Sabi ni Raizel,

Fatal DeceitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon