Case 33: The Dark Shadows: All Is Well, But To Far To Be Undone

21 1 0
                                    

"Sigurado ka ba, Jerome na nasa tamang lakasyon tayo?"
Tanong ni Venessa, dahil 10minuto ang nakalipas nang sila'y nakarating sa kalsada kung saan malapit lang doon ang beacon na kanilang sinusundan. Ngunit sa kalsadang kanilang hintuan ay tila wala silang makitang daanan papunta sa signal.

"Oo, sigurado ako na malapit lang dito yun, imposibleng walang daanan dito. Andito lang yun." Sabi ni Jerome.

"Hay, wala tayong makikita dito kung andito tayo sa loob ng sasakyan. Mas mabuti pang bumaba tayo." sabi ni Vanessa at agad binuksan niya ang kanyang pinto at bumababa sabay bitbit ng kanyang flash light.
"Oh ano pa hinihintay mo diyan halika na, bumaba kana diyan" dagdag ni Vanessa na halata naiinip na at gusto nang makapunta sa beacon na iyon, bago ito mawala at hindi na masagap ng kanilang beacon reciever.

At dali-dali namang bumaba itong si Jerome bitbit ang reciever.

At ang dalawa ay nagsimulang naghanap ng daanan sa gilid ng kalasada papasok kung nasaan nagbliblink ang beacon.

5minuto din ang lumipas wala pa din silang makita. At tila nawawalan na ng pag-asa si Venessa na makapunta doon sa lokasyon dahil wala talaga silang makita. Hangang sa...

"Van, halika dito may paparating ata." sabi ni Jerome.

"Bakit anong paparating?"

"Kita mo yung mga ilaw, parang ambulansya."

Sabay tingin si Vanessa sa kalsada na tinuro ni Jerome kung saan sila nanggaling.

At nang makomperma nila na mga ambulansya nga ito at tatlong ambulansya ito. Dahil mabilis ang takbo nito at papalapit na ito sa kanila.

Nagtago naman ang dalawa sa side ng kanilang sasakyan. At nang nilampasan na sila. Biglang huminto ang ambulansya 10metro ang layo sa kanila. At bigla itong kumaliwa at sumunod naman ang dalawa pang mga ambulansya. At nang tuloyunan nang nakapasok ang mga ito. Sumunod naman ang dalawa at nagtataka sila, dahil sa nilikuan ng mga ambulansya ay sigurado silang wala daanan doon.

At nang narating nila. Nakita nilang talahiban ang mga ito. Pero nang pinasok ito ni Vanessa. Pansin niyang madalilang siyang nakapasok at pagtingin niya sa kanyang baba, tinapat naman niya ang kanyang flash light. Laking gulat niyang may mga bakas ng mga gulong  doon. Nakita rin ito ni Jerome kaya kumaripas na ng takbo ang dalawa pabalik sa kanilang sasakyan. At nang napa-andar ito, at pumasok na nga sila ng tuloyan sa sekretong daanan na iyon.

Sa kabilang banda, kina Raizel.

Sinalubong naman nila Raizel si Chief Martinez na kararating lang sa kanilang lokasyon, kasama ang iba pang mga pulis.

"Chief, buti nakarating din kayo dito." Bati ni Raizel.

"Oo nga eh, mediyo nahirapan din kami sa paglocate ng lugar na ito, mabuti nalang may reliable tayong pathfinder at nagawan agad ng route papunta sa beacon na binuksan ninyo." Paliwanag naman ni Martinez. "Wow so this is the chapel. I see, I see." Dagdag niya.

"Yes, Chief. At finally na secure na din natin ang lugar na ito at expect this is far from over."

"Yeah, I know you would say that, at di na rin ako magtataka if ganon nga talaga. But I hope, nalalapit na ang pagtatapos nitong kaso." Sabi ni Martinez. "Now, tell me what happens here."

Kwenento naman lahat ni Raizel ang buong nangyari sa lugar na iyon. At kanilang pinasok ang loob ng chapel, kasama si Capt. Jones at si Santiago, para lalong maipaliwanag ni Raizel kay Martinez ang lahat ng pangyayari sa loob. At muli pinanood naman niya kay Martinez ang Video. Gaya nila Raizel, nagulat din ang Chief sa kanyang napanood. At ang tanging tanong ang nasa isip nito ay kung sino itong mysteryosong lalaki na nag-abala pang gawin ang lahat ng iyon. At hind niya lubos maisip kung anong trip ng taong ito. At kahit si Raizel wala pa siyang gaanong clue kung bakit nga ito ginagawa ng lalaki. Marami nang tumatakbo sa kanyang isip, mga posibilidad kung anong motibo ng taong ito. Ngunit hindi pa niya ito masasabi hanga't sigurado na siya at nahanap na niya ang kanyang mga sagot sa sariling tanong.

Fatal DeceitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon