Chapter 2

6 0 0
                                    

HANNAH POV

"Inang Anong nangyari sa Inyo??" nag aalalang tanong ko kay Inang dahil sa naabutan ko nalang siyang nakahiga sa sahig ng kusina namin

" Ayos lang ako hannah, Masama lang ang pakiramdam ko" Sabi ni Inang habang pinipilit tumayo

"pero inang kanina pa pong umaga yang lagnat niyo" nag aalalang sabi ko

"Ayos lang ako hannah , Mag ayos ka nalang sa hapag at nang makakain na" Sabi ni inang at Pilit umupo sa silayng kinakainan namin

" Inang baka iba naman na po yang sakit niyo , baka kilangan ng kitang dalhin sa hospital,"

"Ayos lang ako " Sagot ni Inang at Di na ako kinausap

Makalipas ang Isang buwan, Mas lumala ang sakit ni Inang, Di na siya nakakakain ng maayos, Di narin siya makabangon sa kama, naaawa na ako sa kanya, gustong gusto ko na siyang dalhin sa hospital sakalapit na bayan , perom  ayaw naman niya , kaya wala akong magawa, hanggang sa dumating ang kinakatakutan kong mangyari , ang Lumala ang sakit niya lalo at Halos , ayaw ng Pumasok ng pagkain sa bibig niya

"Inang kain pa po kayo , Ni wala pa pong laman niyang tyan niyo mula kahapon eh!" pamimilit ko kay inang para lang kumain siya

" Hannah ,, Ayaw ko na!! " Pagtanggi ni Inang sa Sinusubo ko sa kanya

"Pero inang , pano po kayo gagaling kong di po kayo kakain" Pag pupumilit ko pa

" Anak , Alam ko naman na di na ako gagaling , Kaya .....

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Inang dahil , maging ako man ay nahihirapan narin sa nakikitang nahihirapan siya

Bumuhos ang Luha sa mga mata Ko, Dahil sa awa at Tajkot na mawala sakin ang aking Inang ,

" Inang, Wag naman po kayong magsalita ng ganyan , gagaling pa po kayo, dadalhin ko po kayo sa hospital , Ibibinta ko si bochoy at si Biik para may pambili tayong gamot , basta inang magpagaling naman Kayo oh!!! , Ayaw ko pong mawala kayo" Umiiyak sa Sabi ko sa kanya at niyakap siya

"Shhhhhhhhhhhh.. Anak .. Wag kang umiyak , nahihirapan si Inang pag nakikita kang umiiyak"Pagpahid ni inang sa mga luhang pumapatak mula sa Mata Ko

"Pero inang , iapangako niyo saaking Di kayo aalis" Umiiyak padin na Sabi ko sa kanya

"Shhhhhhhhhh.. Di aalis si Inang , Pangako" Sabi niya kahi na hirap na hirap ng magsalita

"Mahal na mahal kita inang" yumakap ako at hinalikan ang kanyang noo

"mahal na mahal kita hannah" Sabi Niya At Yumakap din naman sakin

Pinilit ko padin siyang kumain at Pinilit na Ipunta sa Hospital , pero mas ninais niyang Mag pa albularyo nalang kaya nag patawag ako ng Isang maggagamot sa pook namin,

------------------------------------------------

OHHHHHHHHHHHHHHH ?? LAKAS MAKA TAGALOG HAHAHAHAH

HOLD ME AND DONT LET ME GOWhere stories live. Discover now