Misaki's POV
Konting practice pa , tapos kakain . Tapos uuwi na sa dorm .
Andun na kaya si Cloud ? Nung kaninang nandito siya , wala nanaman akong ginawa kundi inasar siya . Ano na kaya ang tingin niya sakin .
Tumayo ako sa free throw line .
Okay . ito ang deal , kapag shumoot , crush ko si cloud . pag hindi , edi hindi .
i dribbled the ball .
Three times . Pumorma na ko .
One , two , three .
Damn . Shumoot ang bola .
Crush ko ang lampayatot na un .
Anyway , im daniel misaki kurosawa , 19 . Second year dito sa St. Claire . Course ko , culinary .
Mostly nasa court ako , di naman ako naattend ng klase e, almost everyday may practice , at dahil captain ako ng warriors , present dapat ako lagi .
Yes , half japanese ako , unlike nung mga nangyayari sa mga filipina na may karelasyong banyaga , nagsasama sina mommy at si yukihiro . Kaso nga lang , babaero si yukihiro , mahilig sa sugal , may bisyo . Inuuwian niya lang si mama , for what ? Ewan .
Malayo ang loob ko sa kanya , i wont even call him dad .
Kaya siguro , ganito ako . I wont blame anyone . Ramdam ko aman un e, since nung bata pa ako .
Then , di na ko nakapagpigil , i came out .
Nagalit sakin si yukihiro , balak niya akong ipakasal e .
Pero , bigo siya . Nasa side ko si mama , and nagkaroon sila ng deal , mama leaves or mama stays .
Ewan ko , di ko malaman kung mahal ba ni yukihiro si mama .
Lumakad na ko patungo sa dorm , nakita ko na bukas ng slight ang pintuan namin ni lampayatot .
Nakita ko siya kausap ung mokong na senior na un .
Umaakyat nanaman ang dugo ko .
Pinasok ko ang pinto .
" nung ginagawa mo dito ? " tanong ko .
" wala , talking to cloud . the hell you care ? " sabi ng mokong nagtataray .
" may kwarto ka a , dun ka nga . "
" pwede ba ! kurosawa , hayaan muna nga si senior dito . " lalong uminit ang ulo ko , pinagtanggol pa ni lampa ang mokong na yun .
" alis na Reyes , nakakaistorbo ka samin ni cloud "
" ts . hindi sayo si cloud , tandaan mu yan . "
" sakin siya , alis "
Lumakad na papalayo si mokong .
Hinarap ko si cloud . " di ba sabi ko bawal mong papasukin ang mokong na yun ? "
" e kasi -- "
niyakap ko siya .. di ko na mapigilan ang sarili ko .
A/N :
Yun ang story ni misaki , aha ! at tinatagong harot din pala ang walang hiya . Yieeee , magiging sila na kaya ni cloud ?
Abangers ! :D

BINABASA MO ANG
Badass Player that I Love
Teen FictionCloud James -- isang cute na bata . Freshman sa St.Claire school of Culinary and pastry . Expectation niya sa college , magiging masaya at normal , ngunit nagbago ang lahat ng madapa siya sa court at makaharap ang maangas na si Captain Misaki . Ano...