MISAKI'S POV
Asan na ba si Creme Brulee? bakit ganito ang kaba ko na para bang may nangyari sa kanya.
Alas-otso na ng makarating ako sa school.
matapos kong itapon ung bike kung saan(sorry sa may-ari nun ! ) naglakad na ko sa hallway.
ung mga postlight nalang ung gabay ko.
asan ka ba kasi creme brulee ?
CLUE naman oh .
KONTRABIDA'S POV
' MADAM? '
' ano yon ? ' ani ko habang pinagmamasdan ang higad na nang-agaw kay misaki.
' iiwanan nalang natin siya na ganyan? buhay pa ba yan?'
' check mo . '
' madam naman e ! '
' KC, buhay pa yan . konting bugbog lang un. talagang lampa lang talaga siya . '
' pero madam .. '
' eto nagtataka talaga ako kung kampi ka ba sakin o hindi . '
' kampi naman po ako sa inyo, un laang .. '
' un lang ano ? '
' wala po. '
' WHATEVER KC. Let's go. '
sumakay na kami ng van at humarurot paalis ng school.
Im sure may lesson nang natutunan sakin ang higad na un, although di ako teacher . * EVIL LAUGH*
' PAM? '
MISAKI'S POV
ANAK NG TAPETE . Asan na ba un ?
kanina ko pang tinatawagan hindi nasagot.
ano siya ? nagpapamiss?
aba ! effective un !
makasigaw na nga , ' CLOUD ! ASAN KA ? '
luminga linga pa ako , umikot ikot , ' CLOUD ! CLO -- ' nagulat ako ng sumulpot sa harapan ko si Belle, ' Bayag siya , este ba ' yan ! kagulat ka belle. '
' alam ko kung asan si Cloud. '
muli nanaman akong kinabahan , ' asan siya ? '
lumakad na si Belle. Bawat step, kinakabahan talaga ako.
' DIYAN . ' tinuro niya warehouse.
' Sure ka ? kasi alam kko hindi pupunta si cloud diyan, matatakutin un e. '
' basta . andyan siya . pupunta ka ba o hindi ? '
' di mo ako sasamahan ? '
' ikaw nalang. ' tumalikod siya.
HAYS. Okay. kinakabahan talaga ako, na para bang ung andun sa loob e hindi ko magugustuhan.
Hinawakan ko ung handle nung pintuan, sa pagbukas nun, nakita ko ang isang ilaw na nakatapat sa isang babaeng nakatali sa upuan at nakatungo.
Sa itsura nun e parang binugbog siya ng sampung tao.
Nakatungo at hindi gumagalaw.
' CLOUD? '
hindi sumagot ang babae.
kinakabahan ako na lumalapit . tumutulo ung pawis ko ey.
' CLOUD? '
lumapit na ako at hinawi ang buhok nung babae.
Mangiyak ngiyak ako ng makita ko na si cloud nga iyon.
Duguan ang mukha , may pasa kahit saan. gulo ang buhok, medyo wasak ang damit.
' Si-sino, si-sinong may gawa nito?! '
Tinanggal ko ung mga tali sa kamay at paa niya, binuhat palabas.
Hindi, bakit sa kanya nangyari toh.
Bakit sa kanya na walang kalaban-laban.
Hindi pwede toh.
' belle .. '
bumuntong hininga si Belle habang buhat buhat ko si Cloud.
' alam ko kung sino ang may gawa niyan . '
nagulat ako sa sinabi niya, galit . oo galit ang nararamdaman ko, makita ang taong mahal ko na walang kalaban laban. sinong di magagalit? ' SABIHIN MO SAKIN. '
' sa clinic na . unahin na muna natin si Cloud. '
hinalikan ko ang noo niyang duguan, ' baby, andito lang ako .. '
--
A/N:
Update na ko :) SORRY natagalan, medyo busy ang Author e :) Salamat sa madaming reads!
Umuah :*
BINABASA MO ANG
Badass Player that I Love
Ficção AdolescenteCloud James -- isang cute na bata . Freshman sa St.Claire school of Culinary and pastry . Expectation niya sa college , magiging masaya at normal , ngunit nagbago ang lahat ng madapa siya sa court at makaharap ang maangas na si Captain Misaki . Ano...
