' Alam ko anak, naguguluhan ka .. '
' Talaga Ma, naguguluhan ako, ni hindi ko alam kung tanggap niyo na ba kami o nang-tritrip ka lang? '
Mom chuckled. ' Look, Cloud .. '
Nanlaki ang mata ko, first time na narinig ko na sabihin ni mama ang first name ko. ' I Love you, alam mo yan. At what matters to me, as your mother, is your happiness ..'
Umiyak na ako. There. Call me crybaby. Ang marinig lang un galing sa Mama ko, ayos na.
I hugged her with all might. ' Thanks Mom. '
' No Cloud, thanks to you. ' ngumiti siya sakin, nakita ko na nangingilid na ang luha niya. ' Hurry Up. Habulin mo siya. '
' Kuya, Ma, una na ako. '
Nagulat si Kuya, kakatapos niya lang umorder. ' Ma, anong -- '
' Pabayaan mo na siya Sky. '
' Ma, di ba sabi ko -- ' napatingin si Mama kay Kuya, ' Tinawag mo kong Sky? '
' You heard it right? '
Niyakap ko silang dalwa. Today, i'll propose to Misaki, kahit na 17 palang ako.
Sumakay na ako ng bus. Darn, san ko ba siya hahanapin?
Kanina ko pang tinatawagan ang cellphone niya pero hindi niya sinasagot. Busy nalang ng busy. Naiirita na ako.
Tinawagan ko si Belle.
' Senior? '
' O Cloud? '
' Nakita mo ba si Misaki dyan? '
' Wala e, bakit? '
' Kanina ko pa nga hinahanap e. '
' Hm, tingnan ko sa court kung andun. '
' Sige po senior. '
Hay.. nasaan kana ba choco crinkle? Ang hirap mong hanapin e ang tangkad tangkad mo. Hayyyyyys.
Ilang minuto nadin akong nakasakay sa bus, bawat ikot ng bus, naikot din ang mata ko.
Nag-vibrate ung phone ko, si senior.
' Cloud? '
' Senior balita po? '
' Andun siya sa court, nagshoshoot mag-isa. '
Lumiwanag ang mukha ko. Darn !
' Manong ! Para po . '
Agad akong bumaba sa bus. San pa nga ba pupunta ang mokong na un? Tapos naalala ko, dun kami unang nagkakilala. She was so yabang that i hate her. Tapos, nalaman ko na magkaroom pala kami. Then we've been through ups and downs. Na-vhong navarro ako, nanalo sila sa semis, naging sina senior at pam .. 3-1 na ang NBA FINALS 2014, solid MIAMI padin, tapos ngayon ..
I was looking at the ring. Siguro bigay ito ni Sunshine kay mama to show how much she loves her ..
Nagpara ako ng taxi.
' Manong, St. Claire. '
I was still looking at the ring. Sasagot kaya si Misaki pag tinanong ko siya nun? Paano kung sinabi niya e hindi, mahihimatay ata ako. Sabagay kasalanan ko naman e.
' Maam? '
' Manong? '
' Traffic po e, ' tumingin ako sa labas, oo nga traffic. May nagbanggaang truck at taxi.

BINABASA MO ANG
Badass Player that I Love
Fiksi RemajaCloud James -- isang cute na bata . Freshman sa St.Claire school of Culinary and pastry . Expectation niya sa college , magiging masaya at normal , ngunit nagbago ang lahat ng madapa siya sa court at makaharap ang maangas na si Captain Misaki . Ano...