Pikit mata

14 0 0
                                    

So this is in Tagalog but I'll try and post an English version of this. Its my performance task in Filipino and I find it kinda cool so....

Tugma= Ganap

Sukat= Lalabindalawahin

Saknong= Pito


----


Ito ay ang kuwento ng aking buhay

Noong wala pa akong kamalay-malay

Hagkan-hagkan ako ni nanay at tatay

Pagiging mabuting bata'y aking taglay



Sa pagkamulat ng aking mga mata

Nalabas ako sa masikip na lata

Nagmula ako doon nung ako'y bata

Naintindihan ko ang mga salita



Ang panahon ay lumipas ng matulin

Madami akong natutunan naaralin

At maraming dapat na aking alamin

Tungkol sa problema at suliranin



Noong ang magulang ko ay naghiwalay

Ang buhay ko ay nawalan ng kulay

Pero alam kong dapat ako masanay

Ngunit di ko maiwasang di mag-intay



Tinago ko ang galit sa aking ngiti

Marahil ito ay ang nakakabuti

Dapat na manalaytay ang kulay puti

Simula noong oras nila ay nahati



Ang aking isip ay malalim na dagat

Kung saan mahapdi sa mata ang alat

Kayumanggi na ang aking balat

Ang aking kaisipan ay kalat-kalat



Madami ang aking pinagdadaanan

Hindi mabilang na mga kasalanan

Ako ay papunta sa direksyong kanan

Oo, dito na nga ang munting hangganan

PoemsWhere stories live. Discover now