"Patubuin n'yo po ang buhok ko."
"Ha?"
"Sige na po. Alam ko kaya n'yong gawin 'yan. Sinabi n'yo po sa 'kin dati, 'di ba?" pagmamakaawa ni Bida.
Hindi makatingin si Dee sa mga mata ni Bida. "Pero alam mo namang..."
"Pa'no naman ako? Lagi na lang ba ako magtitiis?"
"Hindi gano'n kadali, Bida."
"Side-effect po ba ang kinakatakutan n'yo? Titiisin ko kahit ano pa 'yan."
"Pero Bida..."
"Brineak ako ni Kylo dahil sa itsura ko. May kung anong spell yata na natanggal nang hinalikan niya ako at nagulat siya sa nakita niya. Ipaliwanag n'yo po sa akin kung anong nangyayari."
"Bida..."
"Sige na po. Malaki na ako, kaya ko nang intindihin lahat ng hindi n'yo kayang ipaliwanag sa akin nung bata pa ako."
"Tama ka, Bida. May spell akong ginawa para maprotektahan ka. Ang mga taong nakakakita sa 'yo na kinukutya ka, lahat sila nag-iiba ang tingin sa 'yo tuwing nakakasalubong ka. Kaya lang, hindi permanente ang epekto ng spell. Kapag isa sa kanila ay nahalikan ka, natatanggal ito at bumabalik ang kanilang totoong pagtingin sa 'yo."
Natulala si Bida. Dahan-dahan ay inangat niya ang kanyang kamay para hawakan ang pisngi ni Dee. "What are you?"
"I'm a witch. And so are you," mahina ang boses ni Dee ngunit malinaw na malinaw ang pagkasabi niya.
Nandilat ang mga mata ni Bida. "What?!"
"Tama ang narinig mo."
"Bakit hindi n'yo 'to sinabi sa 'kin?"
"Dahil may tamang panahon para diyan."
"Si Migs?"
"Hindi niya tayo kauri. Taong-tao siya. Sa ama niya siya nagmana."
"May powers po ba ako ng tulad sa inyo?" bulong ni Bida.
"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang mga kaya at hindi mo kayang gawin. Hanggang sa dumating ang takdang panahon, walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang kakayanan mo."
"Pero tita, bakit kailangan matanggal ang spell kapag nahalikan ako?"
"Paano ko sasabihin nang hindi ka masasaktan?" Huminto si Dee at nagpunas ng luha na nagbabadyang pumatak. "Kailangan mawala ang spell dahil kailangan mong malaman kung ano ang totoo at hindi. Ginawa ko 'yung spell para hindi ka nila paglaruan at pagtawanan. Pero kapag lumagpas na sa pagkakaibigan, kailangan mong malaman ang tunay na magmamahal sa 'yo, hindi 'yung ginusto ka lang dahil nabalutan lang ng kung anumang spell."
"Pero mas masakit na pinaniwala n'yo ako na gusto nila ako. Buong akala ko'y tanggap nila ako."
"Hindi ko gustong mangyari ito sa 'yo. Bilang guardian mo, aunt mo, second parent, I want the best for you. Paniwalaan mo ako na para sa kabutihan mo ang ginawa ko."
"'Yun pong pinainom n'yo sa 'kin dati..."
"'Yun ang potion para magkakumpiyansa ka sa sarili mo. Para hindi ka ma-conscious sa itsura mo. Dahil sa potion na 'yon, hindi ka naaapektuhan, hindi ka tinatablan ng insecurity. Sabay ng paghalik sa 'yo, nawala na rin ang bisa nun."
"Pero bakit ganito ako, kalbo? Totoo bang genetic ito? Bakit may kilay at pilikmata naman ako?"
Nginuso ni Dee ang kulay dark brown nilang Persian cat na si Chocnut na noo'y nasa bintana at nagmamasid sa kanilang pag-uusap.
BINABASA MO ANG
The Witch with No Stick (A KathNiel Story) [WIP]
Teen FictionBida is bold and unique. Her baldness attracts attention both from admirers and haters in the campus. Without knowing she's the last white witch on earth, she falls head over heels for her long-time crush. But Rubin, a male kabarkada, her guardian a...