Chapter 4

71 1 0
                                    

Sinalubong ni Celedine si Rubin sa sala pagdating nito. "Ano'ng nangyari? Bakit ka nakasimangot?"

"Wala po, ma," sagot ni Rubin, sabay upo sa sofa at nilapag ang knapsack sa center table. Tumabi sa kanya ang ina at hinaplos ang namumulang kamao.

"Nakipag-away ka?" pabulong na tanong ni Celedine. Kalmado ang kanyang mga maaamong mata ngunit palakas nang palakas ang tibok ng puso niya.

"Wala po ‘to."

"'Yung totoo ..."

Tumango si Rubin.

"Sino?"

"Sa school po."

"And?"

"H'wag n'yo na pong alamin. Wala naman pong malaking trouble. Uminit lang ulo ko."

"Dahil sa babae?"

"Kasi inuuto niya si Bida. ‘Eto namang si Bida, nagpapauto," nakakunot ang noo ni Rubin habang naaalala ang nangyari.

"Hindi kasalanan ng taong ‘yun kung gano'n. Hindi ka dapat basta-basta nananakit ng kapwa mo. At lalong hindi ka pwedeng makialam sa kanila dahil hindi mo nobya si Bida," paalala ni Celedine.

"Hindi na ako bata, ma. ‘Wag po kayo mag-alala. Okay lang ako. Hindi na po mauuulit ang nangyari. Sorry po," tuluy-tuloy na pagsasalita ni Rubin.

Hinaplos ni Celedine ang buhok ni Rubin. "Alam ko ayaw mong trinatrato kang baby. Sorry rin kung minsan OA si mama."

Umubo si Rubin at hinabol ang hininga. Dali-daling kumuha ng inhaler si Celedine sa cabinet at inabot sa anak. May matinding pag-alala ang mababanaag sa kanyang mga mata.

Umupo si Bida at Kylo sa pinakahulihan sa loob ng madilim na sinehan. May sampung minuto na nag-umpisa ang pelikula at mabibilang sa mga daliri ang mga nanonood. Nagbaon si Bida ng popcorn at iced tea samantalang bottled water ang bitbit ni Kylo. Ilang sandali pa ay naramdaman ni Bida ang pag-akbay ni Kylo sa kanya. May ilang siyang naramdaman ngunit patuloy na nakatutok ang kanyang mga mata sa screen. Nilakasan niya ang tunog ng pagnguya sa popcorn sa takot na marinig ang malakas na tibok ng puso niya.

"Giniginaw ka?" bulong ni Kylo.

"Ha? Eh … hindi naman," sagot ni Bida. Ang totoo, mas malamig pa sa yelo ang kanyang mga palad. Dasal niya na ‘wag hawakan ang kanyang mga kamay dahil hindi niya maipapaliwanag ang kanyang panlalamig. Ito ang matagal na niyang pinangarap. Mga hapon na nakatulala siya sa kawalan habang nagle-lecture ang professor; mga gabing gising siya sa kaka-imagine kung ano ang pakiramdam na kasama si Kylo sa isang date. ‘Eto na ‘yun. Katuparan ng kanyang pangarap. Ngunit daig pa niya ang bangkay na walang kabuhay-buhay sa pakikitungo kay Kylo ngayon. Nagpilit siyang mag-isip ng gimmick para mawala ang nyerbyos n'ya.

"Hahahahha!" Humalakhak nang malakas si Bida.

"Anong nakakatawa?" bulong ni Kylo.

"Ah… sorry," sambit ni Bida. Naramdaman niyang uminit ang kanyang mga pisngi, na lalong nagpatindi ng ginaw niya.

"Sweetheart…" bulong ulit ni Kylo sabay hawak sa kamay ni Bida.

Sweetheart. Unang beses na narinig ni Bida na may tumawag sa kanya ng sweetheart. Gusto niyang lumundag nang mga sandaling ‘yon sa sobrang kaligayahan. Pero conscious din siya na nalaman ni Kylo kung ga'no kalamig ang kanyang kamay. Buti na lang malakas ang aircon kaya hindi halatang galing sa nyerbyos ‘yung panlalamig niya.

Inilapit ni Kylo ang kanyang mukha kay Bida. Alam ni Bida kung ano ‘yon. Hahalikan nanaman siya ni Kylo. May alarm na tumunog sa kanyang isip. Hindi siya maaaring magpahalik ulit. Umatras siya nang bahagya, kunwari'y hindi niya makita ang pinapanood. Nilapit muli ni Kylo ang kanyang mukha at tila wala nang ligtas si Bida. Napapikit na lang siya at nanalangin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Witch with No Stick (A KathNiel Story) [WIP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon