The Witch with No Stick (A KathNiel Story)

534 2 0
                                    

Bida is uniquely bold because of her baldness, attracting attention both from admirers and haters in the campus. Without knowing she's the last white witch on earth, she falls in love and loses her heart to her long-time crush. But Rubin, a male kabarkada, her guardian angel in disguise, steps in and interferes, risking his life for her not just out of duty but because of the love he has for her. What Bida is unaware of, the more she hates Rubin, the lesser his life span gets. Will it be too late before Bida realizes Rubin's sacrifice for her?

Chapter 1

"Lindol!"

Napaigtad si Bida sa higaan at dali-daling bumangon. "Lindol? Bakit 'di po yumugyog ang kama ko?"

"Pa'no mo mararamdaman eh, mantika ka matulog?" Nakataas ang kilay ni Dee habang nakapamaywang sa harapan ni Bida.

Tumayo si Bida at hinablot ang bag mula sa upuan. "Dali, tita! Tara na! Delikado dito!"

Hinawakan ni Dee si Bida sa braso. "Teka lang!"

"Ha? Eh, hindi po ba tayo dapat lumabas? Baka gumuho po ang bahay."

Natawa si Dee. "Hindi dito lumindol. Sa Bohol, 7.2."

Naupo si Bida sa gilid ng kama. "Tita naman, nanggu-good time kayo umagang-umaga."

"Bakit? Totoo namang lumindol, ah. Hindi nga lang dito sa Manila."

Tumayo muli si Bida at inilapag ang bag sa sahig. "Sige po, liligo na po ako."

Pumasok si Bida sa banyo. Naiwan si Dee na nakatingin sa computer monitor. Nagtype siya ng url at nag-load ang isang web page ukol sa lindol na kagaganap lang sa Bohol. Tumambad sa kanya ang imahe ng gumuhong simbahan sa Loboc.

Dali-daling naglagay ng pulbo si Bida sa mga pisngi at sinipat ang kanyang itsura sa salamin. Hinigpitan niya ng bahagya sa kili-kili ang Hello Kitty niyang twalya na nakabalot sa katawan niya. Hinaplos niya ang kanyang ulo na wala ni isang hibla ng buhok. Hindi niya ikinakahiya ang kanyang pagiging kalbo. Kung tutuusin ay ito pa nga ang nakakapagdagdag ng kumpiyansa sa sarili niya. Sa dami ng napapalingon sa kanya tuwing naglalakad siya sa kalye, sa campus, sa park, hindi maikakaila na takaw-pansin ang kanyang itsura. Magmula nang ipinanganak siya ay hindi na tumubo ang kanyang buhok. Hindi maipaliwanag ng mga duktor ang dahilan, baka genetic daw. Alam ni Dee ang isa pang paraan kung pa'no magkakabuhok si Bida, ngunit ayaw niya itong gawin sa takot na magka-side-effect ang bata. Dati-rati ay naiinggit si Bida sa mga kalaro niyang mahahaba ang buhok na nakakapag-tirintas at nakakapag-pony tail pa. Ipinaliwanag ni Dee na mas mainam na kalbo ngunit litaw pa rin ang kagandahan kaysa may buhok pero pumapangit kapag kinakalbo. Ibig sabihin daw nito'y nasa buhok lang nakasalalay ang kagandahan. Ngunit hindi pa rin lubusang nawala ang pagka-insecure ni Bida. Hanggang isang araw ay pinainom siya ni Dee ng isang basong tubig kung sa'n ay may sunog na dilaw na papel na lumulutang. Mula noon ay nawala ang insecurity ni Bida at naging lubusang confident sa kanyang itsura. Patuloy pa rin ang panunukso sa kanya ng mangilan-ngilan ngunit lahat ay nabibighani tuwing isang matamis na ngiti ang isinusukli ni Bida sa kanila.

Hinanap niya sa cabinet ang itim na kwintas na may pendant na nakaukit ang mga letrang "SDW." Nag-iisa itong pamana ng kanyang mga magulang na pumanaw bago sya nag- 3rd birthday. Parati niya itong sinusuot tuwing lumalabas bilang paalala na kasama niya ang mga magulang niya kahit sa'n siya magpunta.

"Naku, nasa'n na ba 'yon? Dito ko lang nilagay 'yun, ah." Hinalukay ni Bida ang mga laman sa drawer at nahanap din ang kwintas na natabunan ng damit. Dali-dali niya itong sinuot sa leeg at lumabas ng banyo.

Naabutan ni Bida at ng pinsan niyang si Migs na nakikipagkwentuhan si Dee kay Paeng, ang noodle vendor sa kabilang kalye.

"Kain muna kayo!" bati ni Paeng sa dalawang teen-ager.

The Witch with No Stick (A KathNiel Story) [WIP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon