Parte 1

13 1 0
                                    

Muli akong kumakatok sa puso mo. Sana hindi mo binuksan ang pag-ibig ko. Hinayaan na lang kita mabasa ng ulan katulad ng mga luhang walang tigil sa paghihinagpis ng kahapon. Sugat sana'y nag hilom kung hindi mo ulit sinugatan. Mga mata'y sana'y nag bubulagan upang ang ating nakaraan ay hindi na nasilip kailanman. Ang iyong tinig ay hindi kailanman naririnig sa iyong pananabik sa tuwina. Hindi sana ako nauutol sa tuwing kausap ka sa bawat sandali sa pananatili mo dito sa piling ko. Habang pinapakinggan ko ang iyong tinig. Naalala ko ang ating masasayang tawanan na parang bang wala ng bukas. Ngayon umiiyak na lang kung saan-saan umaasang malilimutan ang masamang panaginip na ito. Kung kailan ko nakita saka pa mawawala na lang bigla. Hindi pala isa lang itong ilusyon. Parating na lang akong naghihintay na sana maging tayo kahit sandali lang. Nasabi ko ito dahil may nararamdaman pa ako sa'yo. Sana hindi kita nakilala at nasabi ko ang mga bagay na kailanman ay hindi naging sa'yo. Paano ako mag papatuloy sa iniwan mong sakit sa akin kung hindi mo ito kayang mahalin.

Writer by:                                                                                                                                                                                                                 J.B.M.B.

"Ang Sugat ng Pag-ibig"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon