Author's. Pov
Masayang ibinalita ni carla sa mama niya ang magandang balita.
" mama nagpunta po kanina dito yung doctor ni jacob.
" oh anong sabi?
" good news mama, hindi na po natin kailangan maghanap ng pera para sa operasyon ni jacob, kasi libre na daw po lahat ,pati ang pag stay ni jacob dito, bale mga gamot nalang po ni jacob ang gagastusin natin. "
"Huh? Bakit daw libre? "Gulat na tanong ng mama niya
" birthday daw po kasi next week ng may ari nitong ospital at imbes na siya daw ang regaluhan, mas pinili niyang siya po ang mag regalo, at si jacob daw po isa sa mga napili niya. Grabe ma ang bait ng diyos satin "
"Naku salamat naman sa diyos, ang bait naman ng taong yun, san ba siya pwede makita. Nang mapasalamatan na natin siya "
"Naku ma, super busy daw po siya eh, kaya ipapaabot na lang po ni doc yung pasasalamat natin. "
--------------
1:00 am (hospital )Ala - una na ng madaling araw, gising pa rin si carla.
Lumabas muna siya para magpahangin...
" manong san po daan papuntang rooftop dito? Tanong niya dun sa janitor na nakasalubong niya
" ah deretsuhin mo yan, tapos kumaliwa ka, may makikita kang hagdan dun na yung daan papuntang rooftop. " sagot naman ng janitor sa kanya..
" sige po salamat manong '
Agad naman na siyang pumunta sa rooftop.
Pag akyat niya sa taas wala namang tao..
May dalawang poste lang ng ilaw ang nakasindi..
Hindi ito tulad ng rooftop sa restaurant, walang mga halaman dito, at wala ding maupuan, kaya dun siya pumwesto kung saan makikita ang baba..
Ikinabit niya na sa tenga niya ang dala niyang earphone, ..
Eto ang paraan niya para maglabas ng sama ng loob..
Madalas siyang umiiyak ng magisa, ayaw na ayaw niya kasing may nakakakita sa kanya, lalo na ang mama at kapatid niya..
Pumikit lang siya habang nakikinig ng music.. kasabay nun pumapatak din ang mga luha niya..
Marco's pov
Makapagpahangin nga muna sa taas...
Painat inat pa akong umakyat sa taas, i'm a little bit sleepy, pero hindi pa pwede Matulog, marami pa din akong gagawing test sa lab.
Ay may tao pala dito, ala una na pero may nakatambay pa ring babae dito..
I walk closer, para makita kung sino yung tao, she seems familiar..
Siya pala, mukhang nagpapahangin din siya..
I called her name but she didn't aswer,
I called her name again, pero di parin sumasagot, di rin lumilingon...
Kaya lumapit pa ako..
Kaya naman pala hindi ako naririnig kasi naka earphone siya..
Teka umiiyak na naman ba siya?
Author's pov
At dahil naka earphone at nakapikit si carla,
Hindi niya nakita at narinig na may tao na pala sa tabi niya, si marco.
Kaya naman pagmulat niya ng mga mata niya, nagulat siya...
Hindi pa nga niya napupunasan ang mga luha niya..
" ikaw? Kanina ka pa ba diyan? Naiinis niyang tanong
Hindi sumagot si marco, naglakad pa siya palapit kay carla na seryoso ang mukha..
Kita sa mukha ni marco ang pag aalala kay carla..
" bakit ba andito ka na naman? Sinusundan mo ba ako? Ano bang kailangan mo? Sunod sunod na tanong ni carla sa kanya..
Pero hindi pa rin siya sinagot ni marco, tuluyan paring lumapit sa kanya.
At nung mas nakalapit na siya.
Bigla niyang iniangat ang kamay niya, papunta sa mukha ni carla..
Para punasan ang mga luha nito..
Habng siya seryoso ang mukha, si carla naman galit ang aura..
Pero nagulat siya sa ginawa ni marco, napatigil siya sa pagsasalita at tinitigan pa niya ito na parang binabasa ang nasa isp nito.
Carla's pov
"Ba bakit ba parang biglang gumaan ang pakiramdam ko sa kanya?
Naramdaman ko sa haplos ng kamay niya ang sinseridad niya para sakin..
Pero hindi pwede toh, wag carla, wag mong paniwalain ang sarili mo sa mga bagay na toh..
Hindi totoo toh. Sigurado akong katulad din siya ng ibang mga lalaki ..
Umatras ako palayo sa kanya, at tinignan siya ng masama..
" hindi ko kailangan ng awa mo. Kaya pwede ba, wag ka ng magpanggap na concern ka sakin, dahil hindi mo rin naman ako mapapaniwala..galit kong sabi sa kanya tsaka tuluyan na akong tumakbo paalis...
Sinundan lang ng tingin ni marco si carla habang patakbo itong umalis..
-------------------
Author's note
Hello, paki vote naman at magcomment na rin kayo sa mga part na kinainisan, oh nagustuhan niyo haha.
Thank you. Godbless..: )
Sincerely, chinitafairy 😘

BINABASA MO ANG
Maybe It's You
RomanceMeet Carla. Isa sa milyong milyong babaeng bitter sa pag ibig! After her past heartbreak, Hindi na siya muling nagbukas ng pinto. (Not literally ) Masyadong naging masakit sa kanya ang nakaraan niya.. kaya naman ipinangako niya sa sarili niya...