chapter 27

5 0 0
                                    

author's pov

maghahapunan na , pero wala pa rin si marco . kaya naman naisipan ni carla na hanapin siya. at agad naman niyang nakita ito , na nasa dalampasigan pala at mukhang nagmumuni muni. 

hahakbang na sana siyang palapit , kaya lang bigla siyang napa hakbang paatras . siguro ay dala ng kahihiyan niya sa nangyaring pagtatalo nila. 

huminga muna siya ng pagkalalim, bago niya naisipang maglakad ulit palapit dito . 

" sir, nakahanda na po 'yong hapunan, kain na po tayo ..medyong mahina niyang pagkasabi 

napaharap naman si marco sa kanya, saka nagsalita 

" sorry sa nangyari kanina . seryoso niyang pagkakasabi 

" no sir, ako po ang dapat magsorry sa inyo. sorry po sa mga nasabi ko kanina. tama po kayo , hindi ko dapat pinag iisipan ng masama ang mga taong nag aalala sa akin. pasensya na po talaga kayo sa mga nasabi ko.  sabi niya 

" okay na 'yon, tara na  sa camp baka hinahanap na nila tayo. 

pareho silang hindi na nagsalita hanggang sa makabalik sila sa camp site. 

" oh, andiyan na pala sila sir marco at carla? gulat na pagkakasabi ni mike

" mukhang nag bati na iyong dalawa. sabi naman ni mimi

" mukha namang hindi pa eh , sigurado akong hindi na mawawala 'yong galit ni sir marco sa kanya. ang sama kasi ng ugali niya. akala mo kung sino. sabat naman ni shiela na tila naiinis na naman. 

" naku ang sabihin mo naiinggit ka lang kay carla. sagot naman ni mimi sa kanya. 

" never akong maiinggit sa kanya!.. inis na inis na sagot pa rin ni shiela. 

----

makalipas ang tatlong oras ay nagpahinga na sila sa kani-kaniyang tent. 

si mimi at carla lang ang magkasama sa tent, dahil ayaw tumabi ni shiela sa kanila. kaya naman nag solo ito sa iisang tent.

 ...

 parehong hindi makatulog sina  marco at carla , kaya naman pareho nilang naisipang lumabas na muna ng kaniya kaniya nilang tent. 

nagulat pa sila ng sabay silang lumabas ng tent ..

" ah, hindi ka rin ba makatulog? tanong ni marco sa kanya

" opo sir, malakas kasi ang hilik ni mimi.. pero ang totoo hindi siya maka tulog dahil may iniisip siya

" naku, pareho palang maingay 'yong mga kasama natin, sobrang lakas din humilik..pero ang totoo hindi rin siya makatulog dahil may iniiisip rin siya. 

" ah, gusto niyo po ng kape sir? tanong ni carla sa kanya

" sige salamat..nakangiting sagot naman ni marco sa kanya

umupo na rin si carla sa tabi ni marco pagkaabot niya ng kape dito. 

" pwede ba akong mag tanong sayo carla? 

napatingin naman si carla sa kanya bago sumagot ..

" ano po 'yon sir? 

" nakakainis ba ako sa'yo? seryosong tanong ni marco sa kanya 

" po? gulat naman na tanong ni carla sa kanya 

" bihira mo akong ngitian, at ilang beses mo na rin akong nasungitan. kaya natanong ko kung naiinis ka ba sa'kin. ?

To be honest ..opo sir . Medyo naiinis ako sa inyo . Masyado po kasi kayong mabait sa akin . Kahit na palaging nagmamaldita ako sa inyo , nagagawa niyo pa din akong ngitian at intindihin. Nakakapagtaka nga po eh . Kung bakit hindi niyo pa din ako sinisesante. Bakit nga ba sir?

Eh diba sabi mo bawal kitang sesantehin? Pabirong sagot ni marco sa kanya

Eh sabi ko lang naman iyon sir eh. Sagot naman ni carla

Yun na nga eh sabi mo. PaBulong ni marco

Ano po yun? Tanong tuloy ni carla

Wala sabi ko, nakakatuwa ka kasi .. pabiro na naman niya

Nakakatuwa oh nakatawa sir?

Pwedeng both? Pabiro na naman ni marco

Grabe ka sir ginawa mo pa akong clown . Sabay tawa na din ni carla

Try mo kayang magsungit sir? Pang aasar niya

Pano ? Ganito ba? Tanong ni marco sabay taas ng isang kilay niya..

Napatawa naman si carla. Sabay sabi ng mas nakakatawa ka pala sir ..haha

Oh ayan napapatawa na kita miss masungit. Biro ni marco sa kanya

Miss sungit?

Oo miss masungit. Eh masungit ka naman talaga diba? Haha pang aasar na naman ni marco

Hayy naku makatulog na nga .

Oh ayan na magsusungit ka naman .biro naman ni marco

Sige na po sir good night na. Paalam ni carla .

Papasok na sana siya sa tent nang maisipan niya uling humarap kay marco para sabihin na

"Sorry sir . And thankyou . Sabay ngiti .

Napangiti naman si marco ng marinig niya iyon. 

At pagkatapos sabay na silang bumalik sa kani-kaniyang mga tent.

...

Author's note..

Hmm mukhang lumalambot na ang puso ni carla kay marco . May pag asa kayang mahulog na nang tuluyan ang loob niya dito? 

chinitafairy




















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maybe It's You  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon