Chapter 2

13 4 0
                                    

3 years later...


Naiinis akong bumangon dahil sa araw na tumatama sa mukha ko kaya agad kong sinara yung kurtina sa transparent sliding door at muling bumalik sa paghiga.

"Bwiset naman oh!" Bumangon nalang ako dahil di na ko makatulog kaya inabot ko nalang yung cp ko na nasa side table at nag-open ng mga social media accounts.

Matapos ang isang oras na paga-update, tumayo na ako at nagtungo sa banyo dito sa kwarto ko. Naghilamos at nagmumog muna ko bago bumaba at magpunta sa kusina.

Pagdating ko sa kusina, naabutan kong nagse-serve na sila manang kela daddy at Marie na mga nakabihis na pang-opisina.

Napalingon naman sila sa akin at binati ako nila manang ngunit iba ang pinang-bungad sakin ni Marie.

"Himala ang aga mo yatang nagising!" Ngumisi pa ito at nagkunwaring nagulat.

Hindi ko nalang ito pinansin at nagtuluy-tuloy lang ako sa may ref at dun kumuha ng fresh milk pagkatapos ay naupo na sa lamesa katapat ni Marie.

"Alam mo mas matutuwa kami sayo ng daddy mo kung ganito ka kaaga magising, right hon?" Bumaling ito kay dad at nagpa-cute. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumango si dad.

Ayokong masira ang araw ko kaya hindi ko nalang sila pinapansin especially her kung kaya't nag-focus lang ako sa pagkain. Nahirapan pa nga akong lumunok dahil pagka-irita sa mukha ng babaeng may ngiting tagumpay lagi.

We eat in silence at tanging kutsara't tinidor lang ang maririnig ng basagin ni dad ang katahimikan.

"Anong oras pasok mo?" Seryoso ito sa pagtanong at sa pinggan lang nakatuon ang tingin.

"11" Tipid lang sinagot ko. Nakita kong medyo natigilan ito at hindi ko alam kung dahil ba iyon sa lamig ng boses ko o ano.

Bumuntong-hininga muna ito at muling nagtanong.

"Anong oras ka uuwe nang masundo na kita?" Natigilan ako sa tanong nito humigpit ang kapit sa kubyertos.

Kung dati ay lagi akong nagmamadali lumabas ng classroom dahil excited ako laging makita si dad but now, it's different.

"Mga 5 or 6 and you don't have to wait for me there, gagamitin ko yung kotse ko so, I can manage." Inisang subo ko yung hotdog at inisang lagukan yung fresh milk. "I'm done, excuse me." Tumayo na ko ngunit agad tumigil ng marinig ko si Marie.

"Tapos ka na agad? E hindi mo pa nga nauubos yang rice mo. Ano ka on diet?" May bahid ng pang-aasar ang tono at tawa nito kaya lumingon ako dito.


"FYI, hindi ko na kelangang mag-diet dahil I'm naturally sexy, unlike you na trying hard at kailangan pa ng turok to achieve this kind of body." It's my turn to smirk. "Anyways, I'm already full." Tuluyan na kong umalis sa kusina ng may ngiting tagumpay at dumaretso sa may pool area sa likod ng bahay.

Umupo ako sa gilid nito at nilublob ko ang mga paa ko sa tubig. Dinukot ko sa bulsa ng pj's ko yung cellphone ko at nanood sa youtube.

Balak ko ditong magpalipas ng oras hangga't andito pa yung dalwa dahil ayokong lalong masira ang araw ko.

Makalipas ang ilang minuto, narinig ko na ang tunog ng sasakyan paalis kaya tumayo na ako at tinignan ang paa kong nangulubot na dahil sa matagal na pagka-babad sa tubig.

Mysterious SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon