Jax's POV
------"Hindi ka dapat pumapatol sa mga taong walang laban sayo!"
Napatingin naman ako sa taong nagsalita sa likod ko and tadaaa!!
'Sila na naman!!( ̄^ ̄)'
Tinignan ko lang sila at inirapan at humarap na ulit sa pila.
'Kahit kelan snobber talaga tong babaeng 'to!' -narinig kong bulong na kung hindi ako nagkakamali ay yung may dimples sa kanilang anim.
Yes! Sila nga yun! Yung mga lalaking pa-famous dito sa university, yung mga nakiupo sakin sa mall.
'Ang ingay mo! Mamaya marinig ka nyan!' - suway yata nung pinakamatangkad sa kanila.
******
Naghahanap ako ngayon ng mauupuan dito parin sa canteen habang bibit ko yung tray kung san nakalagay yung mga pagkain ko.
And finally!! Nakakita narin ako sa medyo dulong part.Dali-dali akong pumunta doon na parang maagawan. At dali-daling kumain dahil na-stress ako dun sa babae (na muntik nang bumango) kanina, isama mo pa yung mga pa-famous na yon.
Natapos agad akong kumain pero di pa ko umalis sa halip ay kinuha ko ang laptop KO (charing✌) sa bagpack at binuksan ito. Hehe...taka kayo kasi ang dami kong dalang gadgets? Addict kasi ako sa mga social medias.Since free WIFI naman dito sa canteen, madali akong nakapag-search ng assignment ko Zoology.
Yes! Kahit first day palang ay may assignment na agad 'ang saya diba!' *insert sarcasm....
Habang nagta-type ako may lumapit saking dalawang babae. Napatigil naman ako at napatingin sa kanila. Feeling ko mga graduating students sila.
"So your Jax Julian, right?"-maarteng pagtatanong ng babaeng malapit ng mawalan ng space ang muka dahil sa mga pimples.
Kahit medyo nainis ako ay sinagot ko lang ng simpleng "Yes." at binalik yung attention sa laptop.
"Your the one who hurts my lil' sis." -may kalakasang sabi ni Pimple Girl, sapat na para marinig ng malalapit samin.
Patay-malisyang lumingon ako sa kanila. "Ha?"- I asked. I definitely doesn't have any clue kung ano ang sinasabi nitong babaeng to.
"Maang-maangan ka pa dyan!" -sabi nung isa pang babae.
Lalo namang kumunot ang noo ko. Na halata yata nung babaeng puro pimples.
"ARE YOU STUPID OR WHAT?!" -sigaw nito sakin na syang ikina-agaw ng atensyon ng LAHAT at nagpapintig ng tenga ko.
Napatayo naman ako at hinarap sila.
"Teka lang huh!? Did I do something wrong to you?" -medyo kalma pa ko at dahil may breeding ako (char) aalamin ko muna.
"Not to me but to my sister. And if you don't have clue kung sino ang tinutukoy ko, well sya lang naman ang inaway mo sa pila kanina.!!" -mataray na sabi nito at nag cross armed pa.
Ow...sya pala ang ate ng babaeng amoy anghit na 'inaway' ko sa pila. In fairness mag-ate nga sila,...parehong madumi. Hehehe PEACE!
Dahil wala ako sa mood, di ko nalang papatulan, may breeding ako e.
Tinignan ko muna sila at niligpit ang gamit ko at muli silang hinarap.
"Before raising your voice on me, why don't you ask your 'lil sis' first." -cold ngunit may diin kong sambit na may kasamang matalim na titig.
Matapos iyon ay umalis na ako doon at naglibot-libot muna. Meron pa kasing 30mins break.
Sa paglilibot ko ay napadaan ako sa open gym kung san ginaganap ang volleyball, badminton at basketball tuwing intrams. Wala namang tao dito dahil first day, walang practice ang mga varsity players ng school.
Dito ko naisipang tumambay muna saglit at nakinig ng musics gamit ang aking earphone.
Now playing; Closer
by: Chainsmokers ft. Halsey
Gusto ko ang mga kanta ng Chainsmokers. Ang lakas makapang-party!!
Ineenjoy ko pa ang music dito sa cp ko (hindi sa iPod ko huh!?) ng bigla itong magring means may tumatawag. Nqgdadalawang isip pa ko kung sasagutin ko ito o hindi ng makita ko kung sino ang caller.. Daddy..
"H-hello" -medyo kinakabahan kong sagot.
"Your principal called me few minutes ago."- pa-suspense nitong sagot.
"So?"-kunway bale-wala ngunit kinakabahan parin king tanong.
Bago sya sumagot ay may narinig akong boses sa kabilang linya.
"Let's talk about it later." -sabi nito at ibinaba kaagad na wala manlang pasabi.
Nasaktan ako sa iniasal ni dad. Dati kasi, sa t'wing tatawag sya 'princess' yaan agad ang bubungad at tuwing magpapaalam na sya 'I'm gonna hang up. Goodbye and I love you my princess and say iloveyou to your mom too for me!'. Ganyan sya...... NOON at 'di na ngayon!.
May unti-unting namumuong luha sa aking mga mata. And I hate it!!
Wanna know the truth? The truth is that, I'm not brave.. I'm a coward!! Sinusubukan kong maging matapang pero di ko kaya. Mahina kasi ako kaya di ko mapatulan yung dalawang babae kanina sa canteen. Yan! Yan ang totoo.
But, I'm trying my best, my very best to become tough but ang hirap talaga e. Gustong gusto ko nang patulan yung dalawa kanina pero ang hirap kasi natatakot ako na baka saktan nila ko. At kahit ganito ako kalamig ay mahina parin ako. Gusto kon nang umalis sa bahay ni dad pero di ko kaya kasi mahina ako.
Sa tuwing sinasaktan ako ng madrasta ko, di ko manlang mapagtanggol ang sarili ko kasi sobrang hina ng katawan ko! Oo ang daming nagbago sakin pero ang pagiging mahina ang syang NEVER nagbago sakin!.
"Miss," -doon lang ako nabalik sa ulirat ng may tumawag sakin.
"Are you okay?" -nag-aalala nilang tanong sa akin.
Oo sila nanaman, yung mga pa-fame.
Tinignan ko lang sila and i felt something na medyo nagpagaan ng loob ko.
Tumango ako. "Yes." -tipid kong sagot at tumayo. I'm about to leave when I forgot something.
Liningon ko sila na abala na pagtatawanan. "Ehem" -pag-pukaw ko sa kanilang atensyon.
Agad naman nila kng tinignan ng may pagtataka."Btw, thank you."-sambit ko na may ngiti sa aking labi na syang ngayon kolang ulit nagawa.
Pagkatapos kong sabihin ito ay umalis na ako at iniwan silang may pagtataka sa muka.
--------------
—AllyzaBino