Jax's POV
-------Lumipas ang ilang linggong pangungulit ng mga pa-famous na yun! Actually, di naman sila totally nanggugulo...ano lang..ahm...yung pasulpot-sulpot lang sila kung nasan ako. Katulad na lang ngayon.....
Break namin ngayon at naisipan kong tumambay dito sa gilid ng building namin kung san wala gaanong tao.
Kasalukuyan kong binabasa ang 'Ex with Benefits' ng ma-feel kong may mga matang nakatingin sakin.
Binaba ko muna sandali amg libro at tumingin sa paligid. Wala naman akong nakitang tao kaya tinuloy ko nalang ang pagbabasa.
Hindi talaga ako mapirmi dahil feel ko talagang may nakatingin.
'Tss..'
"Lumabas na nga kayo dyang mga ungas kayo!" -sabi ko habang nasa libro nakatingin.
Narinig ko naman ang mga yapak mg naglalakad papunta sakin.
"Hayst... May patago-tago pa kasing nalalaman e.. Kita parin naman tayo!" -narinig kong reklamo ni.....
Tinignan ko naman sila at di nga ako nagkakamali. Yung mga pa-famous.
.........baby face.
"Hi!" -bati nung pinakamaputi sa kanila.
Tinanguhan ko lang sya at binalik ang atensyon sa libro.
"Anong binabasa mo?" -tanong ni (if I'm not mistaken) ay yung pinaka-matangos ang ilong
"Ex with Benefits" -tipid kong sagot.
"Maganda ba yan?" -tanong naman nung singkit.
"Yup!" -me
"SPG yan right?" -yung may dimples.
"Not really!" -me.
"Btw, bakit wala ka laging kasama? I mean...you know --" -pinutol ko na ang sasabihin nung baby face.
"I don't have friends. And wala akong balak." -pagkatapos kong sabihin iyon ay nakaramdam naman ako ng lungkot.
Naaalala ko na naman siya.... Tanging taong naging sandalan ko, nakasama ko ng panahong nag-iisa ko. Umintindi at tunay na nagmahal sakin. ---my bestfriend..... Kree.
Sandali akong natigilan ng maalala kong may kasama pala ako. Ramdam ko kasing iiyak na naman ako at ayokong makita nila ako ulit na ganon.
'Kahit kelan talaga ang iyakin mo! Duwag ka na nga, iyakin pa!' -sigaw ng utak ko.
"E why are you here?" -makulit na tanong nung baby face.
Ayst! Ang ingay naman nila! Di na ko makapag-focus sa binabasa ko!
Tanong lang sila ng tanong at naiinis na ko! E halos paulit-ulit lang naman.
Kaya di ko na sila sinasagot."Alam mo Miss, muka ka pa namang mabait........snober lang." -halos di ko narinig yung huling sinabi ng pinaka-matangkad sa kanila.
"Bakit mo ba kami laging tinatarayan?" may halong dramang tanong nung baby face. "E 'di ka naman ganyan pag sa iba! Nakikita ka namin na pag binabati ka nila tinatanguhan mo sila tapos nginhitian ng.... TIPID! Tapos pag dating samin iniirapan mo lang kami at ini-snob. Ano bang nagawa namin sayo huh? Huhuhu.... Am I not worth of you smile? Ginawa ko na---" -tuluyan nyang pagda-drama at kunwa'y umiiyak.