01

65 3 26
                                    


Chapter 1 : Bumped into each Other.

Starlight's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Bumangon agad ako at kinuha yung cellphone ko para tignan ang oras. 7:26 na, may pasok pa pala ako ngayon. Nag-asikaso na ako at pagkatapos ay bumaba na sa kusina.

Naabutan ko si Mommy na nagluluto. Pababa pa lang ako ng hagdan alam ko ng ginataang manok yung niluluto nya. Alam talaga nya kung ano ang gusto ko. Kaya mahal na mahal ko 'yang Mommy ko e.

"Good morning, Mommy!" bati ko habang kumukuha ng tubig sa ref.

"Oh anak, gising ka na pala. Maupo ka na dahil malapit ng maluto itong paborito mo." sabi nya kaya kumuha ako ng dalawang plato at dalawang pares ng kutsara at tinidor.

Ako si Starlight Miracle Chan Villanueva, 18 years old. Tinatawag nila akong Starlight o kaya naman ay Miracle. Second year college na ako ngayon, culinary arts ang kinuha 'kong course. Gusto ko'ng sumunod sa yapak ni Mommy bilang isa sa mga pinaka-magaling na chef dito sa Pilipinas.

Only child lang ako kaya mahal na mahal ako nila Mommy at Daddy. Tatlong beses nabuntis si Mommy pero lahat sila nalaglag. Naging pre-mature ako nang iluwal ako ni Mommy pero maayos naman akong lumaki.
Kung nabuhay sana yung tatlo ko pa'ng kapatid, edi sana bunso ako ngayon. Hays, gusto ko ng kapatid.

Kaya may Miracle sa pangalan ko dahil himala daw na nabuo pa ako at nai-panganak ni Mommy. Yung Starlight naman ay dahil para daw akong sinag ng mga bituin ng dumating ako sa buhay nila Mommy at Daddy. Nawalan sila ng pag-asa noon na magkakaroon pa sila ng anak, kaya they're really thankful na dumating ako.

Si Daddy naman nasa states, nagta-trabaho sya doon bilang isang engineer. Trice a year lang sya umuuwi dito, kung pwede nga lang na pauwiin ko na sya dito ay matagal ko ng ginawa.

NBSB ako, oo NBSB. Bukod sa No Boyfriend Since Birth ako, No Boobs Since Birth din. Tulog na tulog ako noong nag-paulan si Lord ng melons pero gising na gising naman ako nung nag-pasabog ng kagandahan. 'Wag kayo, pila-pila mga manliligaw ko. Pero ni-isa sa kanila, wala akong sinagot.

Naka-focus kasi ako sa studies ko. Saka na 'yang pag-ibig na 'yan. Diba nga, aral muna bago landi?

Bakit ba pumapasok tayo sa usapang pag-ibig e wala namang forever? Hindi naman halatang bitter ako e 'no?

"Oh 'nak, tapos na. Kumain ka na para hindi ka ma-late sa school." sabi ni Mommy habang nilalagyan yung plato ko ng kanin at ng paborito kong ginataang manok.

"Thank you, Ma." kiniss nya lang ako sa noo pagkatapos ay kumain na kaming dalawa.

"By the way, mag-skype daw kayo ng Daddy mo mamaya. Day off nya ngayon." tumango na lang ako at dali-dali ng inubos yung pagkain ko.

Starlight ↠ i.jb + k.sgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon