03

21 2 8
                                    


Chapter Three : Bestfriend-zoned.

Bryson's POV

Nandito ako ngayon sa rooftop ng school, sobrang badtrip talaga ako ngayon. Lalo na don sa Jasper. Stalker siguro 'yon ni Starlight, tss. Ang alam ko lang na nararamdaman ko ngayon ay selos.

Childhood bestfriends kami nila Miracle at Nikka. Sobrang close kami kaya naman hindi ko na napigilang hindi magkagusto sa kanya. Sya yung tipo ng babae na simple lang pero sobrang charming. There's so many reasons why i fall for her.

Ang plano ko ngayon ay sabihin na ang nararamdaman ko para sa kanya. Aaminin ko, natatakot ako na baka maunahan ako ng Jasper na 'yon. Iniisip ko lang ngayon kung paano ko sasabihin sa kanya.

Nasaan kaya sila Nikka at Starlight ngayon? Text ko nga.

To: Nikka

Niks, san kayo?

From: Nikka

Nandito kami sa cafeteria, bakit?

To: Nikka

'Wag kayo aalis, pupunta ako dyan.

From: Nikka

K.

Mabilis akong tumakbo papunta sa cafeteria. Pagkarating ko, hinila ko agad si Starlight palabas don.

"Saan mo ako dadalhin?" tanong nya.

"Basta. I need to tell you something" tumango lang sya, she's so cute.

Nakaakyat na kami sa rooftop kaya naman hinawakan ko yung kamay nya, halata naman ang pagkagulat nya.

"Miracle, matagal ko ng gustong sabihin 'to." pagsisimula ko, hinihintay nya lang ang susunod kong sasabihin.

"Mahal kita." sabi ko kaya nanlaki ang mga mata nya.

"Bryson, tumigil ka nga sa kalokohan mo." sagot nya, napa-buntong hininga na lang ako.

"I'm not joking. Seryoso ako, Starlight. Mahal kita." niyakap ko sya ng mahigpit. Kung pwede ka lang maging akin.

"Bryson, mahal kita pero bilang kaibigan lang. Hindi lang ako ang babae sa mundong 'to. You deserve someone better." niyakap nya din ako pabalik. Sana palagi ko na lang syang kayakap.

"Okay lang, gusto ko lang naman malaman mo ang nararamdaman ko para sayo." sabi ko kaya kumalas na sya sa pagkakayakap sakin.

Masakit marinig mula sa taong mahal mo na hindi ka nya mahal. Pero 'yon ang totoo, kaya kahit sobrang sakit. Pipilitin kong tanggapin.

"Sorry, Bry. Sana walang magbago." she rested her head on my shoulder. Handa naman akong tanggapin na hanggang bestfriend lang talaga ang turing nya sakin. Pero ang sakit talaga e.

Starlight ↠ i.jb + k.sgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon