Silence means Yes (3 parts)

167 2 0
                                    

"Mommy! Ayoko nga po mag-aral sa isang dormitory! Saka graduating na ko!" Sigaw ko kay mommy

"NO! Whether you like it or not, papasok ka doon! Kailangan mo ng new friends!"

"Fine! In one condition, hindi ko patatakbuhin ang kumpanya niyo okay?" Tinakot ko pa si mommy.

"Sure." WHAT! Pumayag siya? Well, ayoko naman talaga patakbuhin yung kumpanya nila. Good for me.

Ako po si Olivia Parish. Isang mayamang babae. 4th year college.

Maraming nagsasabing weird ako dahil sa hindi ako nagsasalita. Hindi ako nagsasalita dahil hindi ko pinagkakatiwalaan ang mga tao sa paligid ko. Ano connect? Saka Hindi ko rin kailangan ang kaibigan para lang mabuhay. Ang kaibigan kasi lagi kang pinapahamak. Minsan hahawaan ka nila ng mga syndromes nila. Wait nga lang paano ba ko napunta sa kaibigan? pssshh!

--------------

Ipinasok ako nina mommy at daddy sa isang dormitoryo. Kainis! Gusto daw kasi nila ako makipag-communicate in other people. Graduating na ko bakit kailangan ko pang pumasok sa isang dormitoryo!

Andito ako ngayon sa labas ng THE ANGELS' DORMITORY... Iyan ang pangalan ng school ko... :(

Sobrang laki naman nito. Parang hotel. Sa bagay mayaman naman kami.

Pumasok na ko sa loob. Infairness, maganda naman siya. Tapos tinuro sa akin nung guard kung saan ang room ko. 207...

Pumasok ako sa room ko para maiayos ko na ang mga gamit ko.. Bakit dalawa ang kama dito? Hmmm... Siguro yung isang kama ay para sa pagtulog ko sa tanghali tapos yung isang kama naman, doon ako matutulog sa gabi.. Wow sosyal talaga itong dormitory...

Maya maya may narinig akong Tulo ng tubig na nang-gagaling doon sa banyo. Shower ata yun eh. Ano ba yan! kakapasok ko pa lang ng kwarto ko mayroon na agad na nagpaparamdam.

Kumuha ako ng mahabang bakal. Napulot ko lang yon. Pahaya-haya kasi eh. Tapos dahan dahan akong pumasok doon sa banyo. Hindi naka-lock yung pinto. Nakita kong may lalaking naliligo sa likod ng bintana. Wow pati banyo ang ganda. Well nevermind that, magnanakaw ata tong lalaki eh.

Binuksan ko yung bintana kung saan nandun yung lalaking magnanakaw.. Tapos pinaghahampas-hampas ko siya ng bakal na hawak ko kanina.

"Aray! Aray! Sino ka? Aray!" Boses lalake. minulat ko ang aking mata... 0.0 Napaka-gwapo naman ng lalakiing nas harap ko... Wait lang!!! Hubad siya.. Ay hindi pala nakatakip pala siya ng twalya sa baywang niya.. OA ko dun ah haha. I dont really care.

Nahiya ako sa ginawa ko!!! Kaya tumakbo ako papalabas ng banyo pero sinara ko yung pinto ng banyo bago pa ko tuluyang makalabas...

Humiga na lang ako sa kama ko. Nakasubsob ang mukha ko sa unan. Wait lang baka mali ang napasok kong kwarto? Tinignan ki ulit yung room number at tama naman.

Biglang lumabas sa banyo yung hunk I mean pogi este I mean Lalaking magnanakaw. Nakapantalon lang siya pero walang pang-taas.. Pasikat ata tong lalaking ito eh..

"Sino ka!? Anong ginagawa mo dito? Siguro magnanakaw ka noh!" Ang kapal ng mukha! Excuse me hindi ako sinoka! Iniri ako! Ako pa talaga ang magnanakaw baka siya! Ang yaman yaman ko kaya para maging magnanakaw.

"Hoy pipe ka ba? Ayaw mong magsalita." Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Aaah ok. Ikaw pala ang bride to be ko." Anong bride to be ka dyan!! Magpapakamatay muna ako bago pa kita pakasalan noh!

Biglang nag-ring yung cellphone ko.. Si mommy pala tumatawag.. Tinulak ko yung lalaki papalabas ng kwarto..

"Huy! Anong ginagawa mo!" Sabi nung lalaki habang tinutulak ko siyang palabas. Hanggang sa napalabas ko na rin siya tapos pumasok ako sa loob ng banyo saka ko lang sinagot yung cellphone ko.

Silence means Yes (3 parts)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon