CHAPTER ONE

39 3 0
                                    


[Lenry POV]

Nandito ako ngayon sa bahay ng pinsan kong si Mae kasama yung isa pa naming pinsan na si Hanna, napagtripan kasi naming mag over night ngayon dahil wala naman kasing pasok kinabukasan kaya ito at pinayagan kaming mag over night ng Parents namin, nakasanayan na kasi namin na mag sama-sama pag wala kaming ginagawa o kaya naman ay may Free time kame.

"Ate ano kayang magandang panuorin?" Tanong ni Mae sakin, habang ako naman ay nasa kusina at nag hahanda ng pwede naming makain.

"Kahit ano, Basta maganda ah." Sagot ko.

"Please lang wag naman Romance, nakakasawa na eh." Simangot na sabi ni Hanna, Hahaha napaka anti Romance kasi niyan e, Ewan ko nga ba jan at ayaw na ayaw sa Romance napag kakamalan na nga naming tomboy e pero parang hindi naman kasi patay na patay sa ONE DIRECTION :3

"Maganda nga Romance eh." pang-asar na sagot ni Mae

"Edi kayo nalang manuod." Si Hanna, sabay irap kay Mae.

"Oo nga naman Mae, Tigilan muna natin yang Romance kahit ngayon lang Hahahaha baka mag walk out nayan si Hanna eh. Putol ko sa usapan nila, nakakatawa kasi yang dalawa nayan e kahit kasi maliit na bagay pinag-aawayan .

Hinayaan ko nalang muna sila mamili ng movie na papanoorin, habang ako dito ay Busyng-Busy sa pag luluto nitong popcorn tinatamad na kasi akong mag luto ng iba, tama lang naman siguro to kasi manunuod din naman kame ng movie.

Pag dating ko sa sala ay nanunuod na sila, mga monggi talaga hindi manlang ako inantay bago simulan yung movie.

"Di niyo manlang talaga ako inantay no!" inis kong sabi sa kanila na hindi manlang nila pinansin dahil sa pagkaaliw sa pinapanood at sa pag kain ng dala kong popcorn :3

Padabog akong umupo sa tabi ni Mae para madama niyang naiinis ako.

"Oh ate bakit ganyan muka mo?" Tanong ni Hanna sakin pagkaupo ko.

"Wala!" Kunware inis ko pading sagot. Hahaha

"Weeee anu nga? hindi bagay sayo mag maganda kaya sabihin muna" Bastos talaga to sakin eh, ganyan yang mga yan. kahit kasi mas matanda ako sa kanila kung ituring ako ay parang ka edad ko lang sila :3 pero Ok lang naman sakin yun, hindi naman sila sumusobra sa limitasyon nila e.

"Ulitin nalang natin, hindi pa naman masyadong malayo yung napapanood namin ni Hanna eh, para mawala na yang busangot ng muka mo." Sabi ni Mae, kung may nakakakilala kasi talaga sakin ay siya yun, close naman kaming tatlo pero mas nag kakausap lang talaga kame ni Mae ng madalas pa sa madalas :)

"Hahaaha talaga? yan gusto ko sayo eh." Yun nga at inumpisahan nila ulet yung movie.

"tss. yun lang pala yun." sabi ni Hanna na umiiling-iling pa.

Fantasy pala tong pinapanood nila, Percy Jackson eh. Luma nadaw tong movie na to pero ngayon lang namin napanood, kasi nga tuwing nag mo-movie marathon kame puro Romance pinapanood namin. Haha maganda din palang manood ng fantasy at action paminsan minsan.

AESERHURTE UNIVERSITYWhere stories live. Discover now