Part One

1.6K 26 0
                                    

Part One

"Tyler!" 

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o talagang tinatawag niya ko. Shit. Sana hindi. 

"Tyler, Wait lang!" Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko siya. 

"Ang bilis mo naman maglakad Tyler eh." sabi niya sabay ngiti sakin. 

"Pakialam mo ba?!" sabi ko ng naiirita pero parang wala na lang sa kanya yun. Nasanay na din siguro. Nakakainis! Eto na naman siya. Sunod na naman ng sunod sa 'kin. Hindi na yata niya ako lulubayan. 

"Alam mo Andi--"

"Andrea nga ang name ko. Lagi mo na lang kinakalimutan. Pero pwede na ding maging nickname ko yun sayo kung gusto mo."  Andi, Andrea, Wala akong pakialam. Naiirita ako sa kanya. 

Matagal na may gusto sa'kin 'tong babaeng 'to. Elementary pa lang yata kami usap-usapan na na patay na patay siya sa'kin. Hindi ko siya type. Nerd. May salamin.

"Wala akong pakialam! Pwede ba, Tantanan mo na ako!" Pero tila wala siyang narinig at nginitian na naman ako.

"Eto nga pala cake oh, Binake namin yan kanina sa cooking class. Ginawa ko talaga yan para sayo." Kinuha ko naman  yung box ng cake at hinagis sa kung saan. Halata naman na nagulat siya sa ginawa ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay sana naman tantanan na niya ang buhay ko. Nakakasawa na din na lagi siyang sunod ng sunod sakin. Isang taon na niya kong-- err, Wala akong maisip na term. Siguro 'nililigawan'. Daig pa kasi niya ang lalaki sa panliligaw. Araw-araw niya kong hinihintay sa pagpasok para lang sabayan ako sa pagpasok sa classroom namin(oo, unfortunately kaklase ko siya), Nagbibigay din sakin ng kung anu-anong pagkain na gawa niya daw, at lagi na lang nagugulit kung kamusta daw ba ko, kumain na daw ba ko. Puta, Daig pa girlfriend kung makatanong! Pilit ko siyang tinataboy pero parang manhid. Hindi man lang yata nasasaktan sa bawat sinasabi ko sa kanyang panlalait at iba pang masasakit na salita. Ni hindi nga yata natitinag kahit halos oras oras akong nakikitang nakikipaghalikan sa iba't-ibang babae. Hindi nadadala! Walang kapaguran. Hassle sa buhay! Tuwing nakikita siya ng mga kabarkada kong papalapit sakin, Lagi na lang akong tinutuksong, "Ayan na stalker mo" o kaya naman, "Ayan na manliligaw mo" Nakakasira ng araw!

Tinalikuran ko na siya at naglakad papalayo. Narinig ko pa siyang sumigaw.

"Okay lang Tyler. Pasensya na nakalimutan kong hindi ka pala mahilig sa chocolate cake! Sorry!" Ba't ba siya pa 'tong nagsosorry? Sa lahat na lang ng ginagawa kong masama sa kanya, Siya na lang lagi ang nagsosorry. Ibang klaseng babae. Masokista yata. Sa asar ko, Nasipa ko na lang yung basurahang nadaanan ko.

May lumapit naman na pamilyar na babae sa 'kin. Nakalimutan ko pangalan niya pero isa sa mga babae ko ngayon.

"Hey babe, What's the matter? Mukhang kang badtrip. Wanna take the stress away?" she smiled seductively. Hindi ko na siya sinagot and I kissed her rough. Mukha naman nagugustuhan niya kaya naman diniinan ko pa ang paghalik sa kanya.

**

 Nang makarating ako sa locker ko, Binuksan ko ang locker ko at may napansin akong note dun. Maraming sulat dun mula sa ilang admirers ko pero isa lang ang kapansin pansin dun, kasi nakadikit mismo sa pinto ng locker pero sa loob. Madidikit lang yun kung alam niya ang combination ng locker ko. Nagtaka ako kaya binasa ko.

Hey Tyler, 

 You drop you hanky kanina kaya I decided to give it back

pero nung ibabalik ko na, Nakita ko na,  uhh

You were doing some 'business' with Kathy kaya hindi

ko na kayo inistorbo. Kaya dito ko na lang sa locker mo

nilagay. 

                                                     ♥Andi

Nakita ko nga dun yung panyo ko. Buti hindi niya tinago. Baka pagnasahan pa niya. Tsk.

Hanggang sa locker combination ko ba naman alam niya?! 

PS. Don't be mad! I don't know your locker combination. Hinulaan ko lang. BTW, I bought your favorite. :)

Then I saw a cheesecake. I took it and saw it has a smiley face on it. 

Imbis na matuwa ako, naiirita ako. Kahit favorite ko to. Nakakawalang gana. 

That girl just drives me crazy! 

And in the worst possible way! So irritating.

The Casanova's Regret (His Painful Journey)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon