Chapter 22: Drama, Random Things, CRUSH

76 5 3
                                    

CHAPTER 22

ALTHEA’S POV

Habang naglalakad papunta sa classroom after naming maghiwalay ng landas ni Bisugo ay hindi ako makapaniwalang CRUSH ko na rin pala siya gaya ng pagkaka-crush ko kay Marco. Haysttt… Asan na ba kasi yung lalakeng yun? Ang huling kita ko sa kanya dito sa Campus was last week pa, yung day na nagstart yung Companionship, the day bisugo STOLE my first kiss. TT_TT

Pagpasok ko sa classroom ay wala pa si Ma’am Rose, kung di niyo natatandaan ay siya yung adviser namin, siya ang nakatoka sa 2pm class namin and kailangan talaga naming maging present ngayon dahil may important announcement raw siyang ipapaalam samin.

Isang matamlay na “Hi” lang galing kay Honeybaks ang nakuha ko, ewan ko ba sa baklitang to! Kanina lang kung makatili parang timang nang hinatak ako palabas ni Dylan tapos ngayon naman parang pasan ang daigdig kung makapangalumbaba sa upuan niya. Ano kayang nangyari dun sa jamming ng barkada?

Tiningnan ko isa-isa ang power rangers and mukhang si Lovely lang ang walang dinadalang problema. Tahimik lang kasi itong nagbabasa ng libro and ang mukha niya is the same static face pa rin.

Si Joyce, kanina pa matalim ang tingin sa cellphone niya, mukhang may kanina pa tawag nang tawag sa phone niya pero binabalewala niya lang at sa wakas ay pinatay na lang nga niya ang phone niyang kanina pa vibrate nang vibrate.

Si Tope naman ay lutang at parang disappointed na di mo alam, ang mas napapansin ko pa is tingin siya nang tingin kay Joyce na lutang na rin ngayon, I smell something fishy and alam kong hindi cologne ni Honeybaks yun. I think malalaman ko rin ang mga pangyayari in the near future.

Ang mas lalo pang nagpataka sakin ay ang pagkawala ng jolly face ni Sam ngayon, parang timang lang kasing nakatingin na parang nag-aalala kay Honeybaks. Di ba nga eto ang arrangement namin: Lovely, Tope, Joyce, Ako, Honeybaks then ang last sa row is si Sam. ANg wiweird nila actually, well maliban lang kay Lovely, matanong nga yang babaeng yan.

Hinatak ko si Lovely palabas ng classroom at agad nang-interrogate.

“What happened during your jamming? Bakit ganyan mga mukha nila?” Nagtataka kong tanong, hindi naman mapakali ang mukha ni Lovely, parang nagdadalawang-isip pa itong magsalita.

Pero dahil nga maganda ako, nagsalita na rin siya.

“I’m not really sure ah, pero ganito kasi yun…….”

*FLASHBACK*

(POV to ni Lovely)

Nandito kami ngayon sa may fountain sa labas ng mall, nagpapababa ng pagkain , katatapos lang naming mag-snack sa KFC nang biglang may humugot sa braso ni Joyce, syempre’y nagulat ako nung una, pero nang makita kong pamilyar naman ang taong gumawa nun ay medyo nabawasan ang kaba ko, pero di yun nawala.

I know who the boy is, his name is Johanne Lord Montealegre, a High School BULLY. And sadly, Joyce’s boyfriend.

“What the hell are you doing nasasaktan ako!” Pagpupumiglas ni Joyce, I was about to go to them at palasapin ng malutong na sampal ang lalakeng hanggang ngayon ay hindi pa rin tinatanggal ang mahigpit na hawak niya sa bestfriend ko kaya lang ay pinigilan ako nina Sam at Tope.

“I can’t let you go now after what you’ve seen last night. It was a mistake Joyce! I love you!” nagsusumamong sagot ni Johanne, wow ah! Bago to!

Nagulat na lamang kaming lahat when she slapped him so hard it echoed. Di ko maimagine kung gano kasakit ang sampal na yun. Nakaka-attract na rin pala sila ng mga passersby na ngayon ay nagsisimula nang mag-huddle paikot sa pangyayari.

Her Notebook Became His Love AdviserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon