Habang nag babasa ako ng libro bigla na lang tumabi sa akin si Janel
Inilahad nya ang palad nya"Ray pahingi ng candy"
Sabi ko na nga ba ee yan nanaman ang sadya nya sa akin.Halos araw-araw nalang nang hihingi sa akin si Janel ng kendi anong tingin nya sa akin Candy Store pero takte naman oh bakit ba hindi ko siya matanggihan.
"oh"inabot ko sa kanya ang candy
"yey! thank you Ray"
Akala ko aalis na siya hindi papala sa halip inilapit nya ang mukha nya sa akin
"Ray siguro ang daming candy dyan sa bulsa mo..hmmm"
Inilayo ko ang mukha nya"tsss..lumayo ka nga ang baho ng bibig mo oy!"
Inirapan nya lang ako pag katapos lumayas na sa harap ko.
Ang totoo nyan hindi naman talaga mabaho ang bibig nya sinabi ko lang yun dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka halikan ko siya ay este..m-masuntok pala ay mali hindi ko sya kayang suntukin.
Pag katapos ng klase agad ko nang kinuha ang bag ko para makauwi na ako.Habang nag lalakad ako sa hallway bigla naman akong tinawag ni Janel.
"Ray pahingi naman candy"
"ha? ah e wala na ubos na lahat"
Ang totoo nyan may isa pa talagang natira hindi naman sa madamot ako kaso isa nalang talaga ee tapos paborito ko pa ang natira.
"wheee talaga?"
"oo talaga"
"ahhh..sige bye~bye"
Aalis na sana sya pero pinigilan ko sya
"Joke lang yon oh eto sayo na"inabot ko ito sa kanya sabay karipas ng takbo
Pag dating ko sa bahay iniisip ko parin yong nangyari kanina nag sisi ako kung bakit ko pa kasi binigay kay Janel ang candy imported yun mahirap hanapin dito.Bakit nga ba sa tuwing hihingi sya ng candy ee agad ko naman syang binibigyan? Ano ko ba siya kapatid?
Habang nag mumunimuni ako bigla nalang akong inakbayan ni Arwin
"Oh ano nanamang ka drama-han yan?"
"Tanong ko lang bakit palaging sa akin nanghihingi si Janel ng candy pede naman syang bumili sa tindahan a"
Tumawa sya ng malakas"kasi nga nag papapansin sayo si Janel"
"Nag papapansin?"
"kasi may gusto sya sayo!"
Ha? si Janel may gusto sa akin?!
"Talaga?" nag aalangang tanong ko
"oo naman! puwes kung hindi totoo pede mo akong suntukin sa mukha! sus maniwala ka sa akin bro"
Kinabukasan habang nag susulat ako nang kung ano-ano sa notebook ko bigla namang tumabi sa akin si Janel
"Ray pahingi naman ng candy"
Inabot ko naman sa kanaya ang candy pagkatapos non ay nag pasalamat sya at akmang aalis na sana.
"Ah Janel teka lang may tanong ako sayo"
"sige go"
"Ah..totoo bang kaya ka palaging nang hihingi ng candy sa akin dahil nag papapansin ka? tsaka totoo bang may gusto ka sa akin?"
"Ha?hindi no! kaya ako nang hihingi ng candy sayo kasi imported tapos ang sasarap pa...Ray gusto kita pero bilang kaibigan lang...kasi babae din ang tipo ko...dude mag kauri tayo"
"ah..ganun ba"kinuha ko yong kendi na hawak-hawak nya pag katapos nag lakad na ako palayo
"Hoy Ray bakit mo kinuha?akin na yan diba?! hoy!!"
"Heh! dyan ka lang wag kang sumunod may susuntukin lang ako!"
Habang nag lalakad ako sa hallway biglang nahagip ng mga mata ko si Arwin
"oy pare ku---"
*booogsh*
Hindi niya na tapos ang sasabihin nya dahil sinuntok ko sya sa mukha.Siya naman may sabing pede ko syang suntukin.
'Arwin itong tandaan mo hinding-hindi na ako maniniwala sa mga kalokohan mo"
"ha? anong problema non? tsskk..ang sakit ng mukha ko!!"
*FIN*