Part 3(last)

497 31 0
                                    

Simula nong sinabi lahat sa akin ni Janel naramdaman kong iniiwasan niya na ako.Sa tuwing tinatawag ko siya alam kong sinasadya niyang hindi  ako pansinin.Hindi narin siya nag re-reply sa mga text ko,kapag tinatanong ko siya tungkol don sinasabi niyang wala daw siyang load.

Pinag kibit balikat ko nalang yon pero hindi parin ako mapakali.Kaya nong matapos naming mag practice para sa graduation namin hinanap ko siya.

"Hoy Janel!"

Sampung beses ko na siyang tinatawag  pero ayaw niya paring lumingon.

Hinabol ko siya at hinawakan ko ang balikat niya."Hoy ano bang problema mo?"

Hinarap niya ako.At naramdaman ko nanaman ang mga pesteng daga sa tiyan ko.

"Hoy ka rin! ano ba umalis ka nga..lubayan mo nga ako peste!"

Teka ano bang problema ng babaeng to? 

Hinawakan ko uli ang balikat niya."Ano bang prolema mo huh? Akala mo siguro hindi ko napapansin na iniiwasan mo ako..bakit mo ba ako iniiwasan ha?"

Tinaggal niya ang kamay ko na nakahawak sa balikat niya."Dahil natatakot ako.."

Bakit siya natatakot?

Ano ba ang kinakatakutan niya?

Nag simula siyang mag lakad at hinabol ko na naman siya.Nakakainis na para akong tutang sunod ng sunod sa kanya.

"Ano bang pinag sasasabi mo diyan ha?!"

Huminto siya sa pag lalakad kaya mutik ko na siyang ma bangga.Humarap siya at nakita kong may tumulong mga luha sa mga mata niya.

"Natatakot ako dahil baka isang araw maagaw kita sa kanya! Kaya please lang layuan mo ako!"

Pag katapos ay tumakbo siya.

Gawin mo!

Gawin mo agawin mo---

"Teka ano ba tong mga iisip ko?!"

Napa upo ako sa pinaka malapit na bench...naguguluhan ako

 

Hindi ako nakatulog ng maayos nong gabing yon.Puro Janel,Janel,Janel ang laman ng utak ko kaya hindi ako nag enjoy sa date namin ni Jane kinaumagahan.

"Ray ok ka lang ba? kanina ka pa hindi umiimik diyan?"

Pinilit kong ngumiti bilang sagot sa tanong niya.Hindi ako ok... gusto kong makita si Janel gusto kong siya ang kasama ko ngayon.Grabe ang gago ko girlfriend ko ang kasama ko ngayon pero ibang babae ang iniisip ko.

"Ah Jane bili mo na ako ng tubig" 

Tumayo na agad ako at nag simulang pumunta sa cafeteria.Papasok na sana ako pero nakita kong mag isang naka upo si Janel sa bench.

"Janel!" lumapit  ako sa kanya pero nong nakita niya akong papalapit ay umamba siyang umalis kay tumakbo ako para maabutan ko siya.

"Uy mag usap tayo!" hindi nya ako pinakinggan at nag simulang mag lakad ulit

"Wag ka munag umalis! please..wag mo na akong iwasan pwede?"

Pahingi ng candy[Two shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon