Noong nalaman ko na tomboy pala si Janel paminsan-minsan pumapasok sa isip ko ang salitang SAYANG
Bakit nga ba ako na sasayangan?
Anong pake ko kung tomboy siya?
Simula nong sinabi nya sa akin na tomboy sya minsan nalang siya nanghihingi ng candy,siguro dahil nalaman nya na ubos na yong imported na candy ko..ewan hindi ko alam..wala akong pake
Wala nga ba?
"Ray alam mo bang may bago tayong classmate sa lunes?" tanong sa akin ni Janel
"Talaga"
"Oo..sana nga--"
"Sana babae para maligawan mo?"
"Ha?... ligaw agad..ikaw talaga..geh kita nalang tayo bukas"
* Monday*
Tama nga ang sabi ni Janel may bago kaming ka-klase.
Isang babae,morena,katamtaman ang taas,mahaba ang buhok...pwede narin
Saakin siya tumabi dahil yun ang sabi ni Sir.Wang
"Hi I'm Jane"
"Ray"
Ok naman si Jane mabait sya.. ibang-iba siya kay Janel..kung sa bagay mag kaiba naman talaga sila dahil tomboy si Janel.
"Oy friends na pala kayo?" tanong sa amin ni Janel
"Oo..may problema ba?"
hindi ako pinakinggan ni Janel at lumapit siya kay Jane at pinakilala ang kanyang sarili
"Sabay-sabay nalang tayong mag lunch" yaya ni Janel sa amin
"S-sige..ah ikaw Ray sasama kaba?" tanong ni Jane sa akin
Tumango lang ako at nag lakad na kami papuntang cafeteria.
"Kain lang ng kain libre ko..except sayo Ray ikaw ang mag bayad sa mga kinain mo"
Halatang type ni Janel si Jane kung maka tingin siya kay Jane parang gusto nyang lamunin.
Sayang..
Ilang buwan na ang nakalipas at napapansin ko na sa tuwing mag uusap kami ni Jane palagi syang umeepal,sa tuwing tinitignan ko si jane palagi nya akong sinasapak..hindi ko alam kung anong problema nya.
Type na type nya talaga si Jane..ano kaya ang magiging reaction nya kung malam nya na..
"Ray..may gusto ka ba kay Jane?"
"Bakit?"
"Wag mo syang liligawan ah"
"Bakit Janel liligawan mo sya?"
Huminga siya ng malalim at inayos nya ang mahaba nyang buhok...
Tomboy sya diba bakit parang babae parin siya kung manamit?
"Ray..ang totoo.." inayos nya ulit ang buhok nya"Ray gusto kita"
Napaatras ako sa kinatatayuan ko..
"Janel malayo pa ang April fools"
"Ray..hindi ako nag bibiro..kaya ko lang sinabi na tomboy ako kasi nahihiya ako..nahihiya akong sabihin sayo ang totoo na gusto talaga kita pero ngayon may lakas ng loob na ako na sabihin na gusto kita..walang halong biro"tumawa siya at minasahe nya ang noo nya
"Hindi ka tomboy?"
Bakit ngayon mo lang sinabi..
Tumango sya at nag peace sign pa"Ray..dapat mag sorry ka kay Arwin kasi tama ang mga sinabi nya."
Lalapitan ko na sana sya ng may biglang yumakap mula sa likoran ko.
"Ray..anong ginawa nyo?"
"Jane?"
"Ray bakit ang tagal mo?..kanina pa kita hinhintay sa labas ng gate ee"
"Aah Jane..mag hintay ka muna ulit don mag uusap muna kami ni Janel"
tumango naman sya at umalis pero bago pa siya makalayo nabigla ako ng hinalikan nya ako sa pisngi kahit ilang beses na akong hinahalikan ni Jane sa pisngi na iilang parin ako..naiilang ako kahit dalawang buwan na ang dumaan simula ng maging kami.
"Janel kasi.."
Tumango lang sya at may sinabi syang nag pa sikip sa dib-dib ko,kahit mahina ang pag kasabi nya narinig ko parin ito ang salitang sinasabi ko dati sa isipan ko.
Sayang
"Ray..ok lang..."
"Janel"
"Ray....sana maging magkaibigan parin tayo"
"S-syempre naman"
Ngumiti sya..pero alam kung pinipilit nya lang ang sarili nyang ngumiti"Kung ganon"inilahad nya ang mga palad nya"Ray pahingi nalang ng Candy"
