Chapter 2: Rewind >.<

42 0 0
                                    

Papasok na kami sa St. Andrews University kung saan nasa 3rd year college nako,kumuha kasi ako ng photojournalism.

Oo na! sa private school ako nag-aaral, diba nabanggit ko na sa inyo na hindi kami mayaman? Oo nga, totoo yun..

 Ganito kasi, Taiwanese ang papa ko at Filipino naman ang mama ko. 3 kasi kaming magkakapatid puro kami babae at ako ang panganay. Kaso, 6 years na silang hiwalay, pa'nu kasi nalulong si papa sa casino kaya lahat ng naipundar namin, nalugi. Hanggang sa isang araw,umuwi si papa sa taiwan at hindi na uli bumalik ni hindi nga nagparamdam. Wala na nga kaming balita tungkol sa kanya eh,at kung meron man. Ayoko ng marinig pa, sobrang galit na galit ako sa kanya dahil sa pag-iwan niya sa'min. Wala siyang kwentang ama!!

Kaya si mama ang tumutostos sa pag-aaral ko sa tulong na rin ng karenderia na naipundar namin. Pero rumaracket at suma sideline naman ako para naman makatulong ako kay mama sa pag aaral ko at para na rin sa puhunan namin sa karenderia. Ito nalang kasi ang pinagkukunan namin ng pera para sa araw araw naming pangangailangan...

"O.M.G!" biglang sigaw ni nova sabay hampas naman nito sa balikat ko.

"Arayyyy!! ano ba nova, sumusobra ka na ha! ang sakit na talaga ng ginagawa mo. Last nalang at babatukan na talaga kita jan!" Babala ko sa kanya. Gravehh! mamamatay ako kapag kasama ko toh,bawat kilos nito may kasamang hampas.

"Tingnan mo!!" Pag-iiba ni nova sabay tingin sa direksyon na tinatanaw nito.

"Ano ba ka-------" Putol kong sabi habang nakatanaw sa tinutukoy ni nova. Napatiiim-bagang ako ng makita ang DEMONYO kong EX kasama ang BAGONG GF nito na nakatawa at mukhang siya-siya sa pinagkukwentuhan nila.

"Ang kakapal talaga ng mga mukha nito,may gana pang maglandian,dito pa mismo sa campus." Singhal ko habang nakatingin sa kanila. Gusto ko talaga silang katayin at ipakain sa mga tigre. 

"Chill bestie! Alam ko nama'ng hanggang ngayon,galit ka pa'rin kay Anthony dahil sa pangloloko niya sa'yo" Pagcocomfort sa'kin ni nova sabay himas sa likod ko.

Oo, si Kyle Anthony Ramirez,or simply Anthony ay ang EX ko. Nagkakilala kasi kami ng minsang magkabunggo'an kami sa may corridor ng library.  Nginitian niya ko at ako naman parang tangang napa LOVE AT FIRST SIGHT sa kanya. Kaya simula nu'n,naging magkaibigan kami hanggang sa isang araw,nagtapat siya sa'kin na mahal niya ko. Ang saya ko nga nang malaman ko ang feelings niya para sa'kin. Sobrang mahal na mahal ko siya. Kaya nu'ng niligawan niya ko,hindi ko na siya pinahirapan pa at sinagot ko siya agad...

Naging masaya naman kami sa relasyon namin noon. Super sweet nga namin eh. Lagi niya akong hinahatid pauwi o minsan sabay kaming nag'lalunch sa kantina. Pero bigla nalang siyang nagbago simula nu'ng dumating si Margie Villarama,--ang babaeng pinalit niya sa'kin--. Bigla na lang siyang naging maiwas sa'kin at parang nagbago talaga siya. Hindi na siya yung Anthony na sweet,mapag-alaga at maaalalahin. Marami na nga akong naririnig na usap-usapan na may RELASYON daw sila ni Margie. Hindi ako naniwala,alam ko kasi na hindi magagawa ni Anthony sa'kin yun. Madalas na nga kaming mag-away nu'n. Nanlulumo na nga ako sa kanya eh,pero hindi ko talaga siya magawang hiwalayan dahil mahal na mahal na mahal ko siya.

 Hanggang sa isang araw,sa mismong araw ng 2nd Anniversary namin. Balak ko sana siyang sorpresahin,nagbabasakaling magkaayos kami. Pero parang gumuho ang mundo ko ng makita ko silang dalawa na naghahalikan. Nagpaliwanag naman si Anthony sa nangyari pero hindi ko siya pinakinggan. Nabalot na kasi ng Galit ang naramdaman ko noon.

 Sobrang nasaktan ako do'n,hindi ko kasi inakala na napakaTANGA ko na pala. Habang ako itong nalulungkot,siya naman itong masaya sa piling ng iba! Ang sakit ng ginawa niya,sobrang sakit!

Hanggang ngayon nga, hindi parin naghihilom ang sugat na naidulot niya. Gusto ko na sanang makalimot sa kanya pero kapag nakikita ko sila'ng dalawa,umaapaw ang GALIT at SAKIT dito sa puso ko.. Bakit ba kasi niya ako niloko? Sa anong dahilan? Hindi naman ako nagkulang sa kanya. Halos lahat ibinigay ko para tumibay ang relasyon namin.. Pero bakit ganun? Ang Daya naman!! :(

"Ewan ko nova,parang ang sarap nilang patayin" Paasik na sabi ko kay nova.

"Alam ko! pero kailangan mo na siyang kalimutan kristina. 6 na buwan na ang nakalipas simula ng maghiwalay kayo" sabi nito.

"Sinusubukan ko naman nova eh! Pero umuusbong ang galit ko sa kanya at sa bruhang nobya niya" Pagalit na sagot ko. Lalo pa ngang uminit ang ulo ko ng muntik na silang maghalikan. Buti na lang at nag'ring na ang school bell bago pa tuluyang maglapat ang mga labi nila.

"Naku!! nag bell na. Tara na tina,baka ma'late na tayo" Sabi ni nova sabay hila sakin. Hindi na lang ako pumalag dahil mas mabuti kung hindi ko na makita pa ang pagmumukha nila.

A SECOND CHANCE (O-N-G-O-I-N-G)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon