Chapter 3: Aieeh MANIAC!

20 0 0
                                    

Tumatakbo na kami ngayon ni nova kasi 3 mins nalang at talagang ma'chuchugi na kami ni Sir Sanchez, may pagka strikto pa naman yun =__=

"Bilisan mo na tina,patay naman tayo kay sir ngayon" Sabi ni nova sabay takbo ng mabilis.

"Oo na,antayin mo naman ako" Sagot ko naman habang pinipilit sabayan ang bilis ng takbo nito.

Papaliko na sana ako ng biglang may nabundol akong malaking bulto sa harapan ko. At dahil sa lakas ng impact,na out of balance ako at napaupo sa sahig.

"Arayy! Bwesit!" Mura ko habang hawak hawak ang balakang ko. Shet! ang sakit nu'n ahh, graveh. Peste ba naman to'ng taong toh,hindi tumitingin sa dinadaanan. >.<

"Okay ka lang miss?" Tanong ng isang boses lalaki. Napatingin ako sa kanya. Medyo matangkad ito at nakasuot ng polo shirt at maong pants. Mukhang ngayon ko lang nakita ang lalaking toh ahh!. 

Tinitigan ko ang mukha nito at medyo may pagka singkit ang mga mata nito na may maiitim at matataas na pilik mata,matangos na ilong na nakakagigil pisilin at mapupulang labi na parang ang lambot at ang sarap halikan.

"Miss,okay ka lang ba?" Sabi nito na nakabalik sa senses ko. Naramdaman ko ang pag iinit ng mukha ko, Yay! napahiya ako du'n ah,mukhang na'sense ito na nakatitig ako sa kanya.! baka sabihin nitong may gusto ako sa kanya. Pwes! Hindi pwede!

"Sa tingin mo,okay lang ba ako?" Paasik kong sagot habang dahan dahan ng tumayo. Sobrang sakit talaga ng Balakang tsaka pwet ko ah,walang biro! +__+

"Eh,hindi ka naman kasi tumitingin sa dinadaanan mo" Sabi nito sa malumanay na boses.

"Aba,aba! So,ako na ngayon ang may kasalanan? Eh sino ba naman kasi ang humaharang?,diba ikaw!" Nakapameywang kong sagot habang nakataas ang isang kilay.

"Miss, hindi ako nakaharang. Ikaw kasi ang tumatakbo,eh hindi ko naman alam na paparating kah kaya nabunggo kita habang papaliko ka na" Malumanay nitong paliwanag.

Oo nga ano! kasalanan ko naman talaga. Teka *isip-isip* Hihihi! sino ba talaga ang may kasalanan AKO o ang LALAKING toh? Ahh ewan! basta, siya ang may kasalanan. PERIOD!

"A-anong ako? Ikaw kaya!" Mataray kong sabi kahit nauutal nako. Dahil sa totoo lang,medyo napahiya ako sa sinabi niya! Mukhang nagui-guilty nako! ?_?

Tiningnan ko ang lalaki na medyo tumahimik habang minamasdan ako mula ulo hanggang paa. Habang pababa ito ng pababa ng tingin sa may hita ko,biglang sumilay ang isang pilyong ngiti nito. 

Teka! Mukhang may iniisip itong kahalayan sa'kin ah! MANIAC! MANIAC toh! >.<

"Hoyy! Anong iningingiti-ngiti mo jan? May balak kang masama sa'kin noh!" Sabi ko habang naniningkit ang mga mata.

"Ha---"

"Ooops!" Putol ko habang tiningnan siya ng masama.

" Walang hiya ka,GWAPO ka pa naman sana kaso BASTOS lang. MANIAC!!" Pasigaw kong sabi habang mabilis na naglakad palayo sa MANIAC na LALAKING toh!

----------------

HAHAHHA thanks po sa pagbasa. Abangan po ninyo ang susunod na CHAPTER !! ;)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A SECOND CHANCE (O-N-G-O-I-N-G)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon