9 - #whenbalatsapwetstrikes

159 6 2
                                    

9.  When Balat sa Pwet Strikes

 Macoy's POV

Kasalukuyan akong nandito sa dyip papuntang school. Wala eh, tuluyan ng nawasak yung motor kong bulok. Yun na nga lang kaisa isang regalo sakin ng erpats ko, naglaho pa! Pambihira!   Napakamalas ko talaga hotaena! -_- Ngayon kaya? Ano nanaman kayang inihandang trip sakin ng magaling kong balat sa Pwet?

Tumingin ako sa bintana ng dyip at napatunayan kong mahal na mahal talaga ako ng Balat ko sa Pwet.

 Pano kasi,sumimoy agad ang isang napakalupit, napakabagsik at nakakamatay na amoy  ng mga baboy sa trak na tabi ng dyip. Ang bahooooo potaaaaaa!

 Tapos nagkaface to face pa kami nung isang baboy mismong pagharap ko! atomatik tuloy na nag flashback  sa utak ko yung dati kong itsurang kawangis ng mga walanjong baboy na'to...hay buhay! -_-

Ang badtrip pa, sobrang trapik! Anung trip mo ngayon sakin ha balat sa Pwet? Makipag-bonding sa mga walanjong baboy na to habang hindi nausad yung mga sasakyan?! Aba'y isang napakalaking DAFAQ.

Tapos, ang sikip sikip pa dito sa pwesto ko! Halos kalahati lang ng pwet ko naka-upo!Puchang gala kasing drayber yan, sabi dalawa pa, eh halos wala na ngang maupuan!

Eto pang hinayupak na katabi ko kanina pa umuuntog untog sa balikat ko.Pilit na linalabanan ang antok, ako naman ang bugbog sarado!

*BROOM!!!!!*

At biglang umandar na yung dyip ng mabilis.

Kaya ang ending,

*BOOGSH*

TULUYUN NA AKONG NAHULOG.

Tapos yung katabi ko tuluyan naring nasubsob sa likod ko.

DAFAQ.

"Aray ku!" mahina kong bulong sa sarili ko. Nakita ko namang natatawa-tawa yung ibang tao sa dyip.

Lintik. Kahiya hiya naman oh.

Makababa na nga lang puchang gala! Puro kamalasan na lang natatamo ko dito eh bwisit na buhay to!

 "MANONG PARA PO! "sigaw ko kay Manong drayber

Kaso pababa na sana ako nang biglang tumama pa ang bunbunan ko sa kisame ng dyip! Pochi ang sakit! Dafak.

Bumaba nalang ako na lang ako na parang walang nangyari. Konting lakad na lang naman paputang school eh...

Pagdating ko sa school, napawi yung init ng ulo ko nang may bumati saking mga chix.

Yun oh!

 " Hi Macoy! ^_^" biglang bati sakin ng isang babae sa entrance ng school

" Hi!" sagot ko naman. Grabe na talaga! Dati ni walang pumapansin sakin pag dumadating ako, ngayon umagang umaga pa lang meron na. Ayos to!

 "Ay! " Sabi nung babaeng bumati sakin tapos nagtakip pa siya ng bibig na parang nagpipigil ng tawa.

 Nako po kinakabahan ako ah? Anung meron?

Pinagatuloy ko nalang ang paglalakad sa hallway papuntang room. Natatanaw ko na nga sina Abo at Panga na kasalukuyang namimicture ng kung sinu sinong magagandang chixs gamit ang isang Canon slr digital camera eh . Pero teka, mukhang absent si Landrito ah? San kaya yun?

Sinubukan ko nga palang kausapin yun kahapon kaso wala eh. Ayaw talagang magsabi. Tinanong ko rin siya kung okay ba sila ni Jonas pero wala, nagkibit balikat lang siya. Hindi naman siya ganun dati eh, kahit malihim siya, nagsasabi parin naman siya nun ng problema...Pero ba't ngayon parang hirap na hirap siyang magsabi?

(On hold ) (don't read)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon