Chapter One: Welcome to MSA

30 1 0
                                    

Luna's Pov

"Ready?" Tanong sakin ni dad pagkalabas ko ng front door habang dala ang maleta at isang malaking bag.
Bumuntong hininga muna ako bago tumango, kinuha naman ni dad ang mga dala ko at inilagay sa trunk ng sasakyan.

"Anak sandali lang ha may kukunin lang ako" paalam niya sakin at pumasok sa bahay.

Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at sumakay sa passenger seat, pagkasara ko ng pinto ay tumingin ako sa bintana tanaw na tanaw ang front garden namin, ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang mga masasayang panahon ko sa bahay na ito.

First time kong malayo kay dad, kakayanin ko kaya ito?
Buong buhay ko si dad na kasama ko, siya ang bestfriend at kuya ko....
Yung mama ko kasi namatay nung maliit pa ako
Simula noon kami ang palaging magkasama, kahit malaki ang bahay namin ay kaming dalawa lang ni dad ang magkasama hindi nag ha-hire ng katulong si dad kasi natatakot siya na baka may maka alam kung ano kami

Oo hindi kami normal, may mga kapangyarihan kami at natatakot si dad may maka alam nito at mapahamak ako, pero nangyari nga ang kinatatakutan niya

Flashback

"Halika nga dito!!!"

"Arayyy Nila ano ba!! Bitawan moko!" Pilit kong tinatanggal ang pagkakahila niya sa buhok ko

"Ahhh so nasasaktan ka pala? Himala nasasaktan pala ang isang halimaw!!" Sabi niya at marahas na binitawan ang buhok ko

"Hindi ako halimaw!!"

"Duh!! Nakita kaya kita noong tinulungan mo si Shine nung nalulunod siya! Pinagalaw mo yung tubig para dalhin siya sa gilid ng pool, kagaya ka talaga ng mga magulang mo, mga HALIMAW!"

Kinuwelyuhan ko siya at isinandal ng malakas sa ding ding ng cr

"TAWAGING MO NA AKONG HALIMAW, MANGKUKULAM O KAHIT NA ANONG GUSTO MO! PERO WAG NA WAG MONG IDADAMAY ANG MGA MAGULANG KO DITO!" Galit na galit kong sigaw sa kanya

"Ahhh ano ba! Bitawan moko!" Sigaw niya habang pilit na tinatanggal ang kamay ko

BOOGSHHHHH

Nabitawan ko siya nung biglang natanggal lahat ng gripo sa loob ng cr at umapaw ang maraming tubig galing dito

End of flashback

Buti nalang at napalabas ni dad na aksidente lang ang nangyari at nagsisinungaling si Nila na nakita niyang ginamit ko ang kapangyarihan ko.

Nang makapasok si dad sa kotse ay pina andar na niya ang sasakyan.

Habang paalis na kami ay sinundan ko lang ng tingin ang bahay namin hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

Habang nasa biyahe ay napansin ko na lumiko si dad sa isang daan na papasok sa gubat
"Dad?" Tawag ko sakanya

"Hmm?"

"Are you sure that you're going on the right way?" Tanong ko

"Perfectly sure baby girl" sagot niya
Tumango nalang ako at itinuon ang paningin ko sa daan

Ay di pa pala ako nakakapagpakikala
Ako nga pala si Luna Devlin I'm 17 years old and I'm a Water element power user.

Excited at kinakabahan at ako at the same time, may magiging kaibigan kaya ako dun? Sana naman meron sa dati kong school may mga kaibigan din naman ako pero hindi nila alam ang tungkol sa kapangyarihan ko, natatakot ako na baka lumayo sila sakin pag nalaman nilang di ako normal

Makalipas ang isang oras ay hindi parin kami nakakarating sa bago kong school, sakit na ng pwet ko!

"Dad malayo pa ba tayo?" Tanong ko

Magic Spearls Academy: The Magic WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon