Chapter Two: New Friends

30 1 2
                                    

Luna's Pov

"Miss Devlin pasok ka" sabi ni Mr. Yuson, pumasok ako sa isang kwarto sumunod naman sila agad. Pagkapasok ko ay ilinibot ko agad ang paningin ko sa loob, wierd siya kasi may mga bookshelf pero mga clam ang nakalagay may ibang nakabukas at may mga sarado. Yung mga nakabukas ay may mga pearl sa loob.

"Ano po itong kwartong to?" Tanong ko

"Eto ang room of pearl keys, dito nakalagay ang susi ng mga kwarto dun sa dorms yung mga pearl na sarado may mga may ari na ng mga kwartong yan, yung nakabukas naman ay vacant pa" paliwanag niya

"Pwede po ba akong pumili ng kwarto?" Tanong ko

"Ay hindi pwede, ang kwarto ang pipili sayo" sabi niya na ikinakunot ng noo ko

"Kasi bawat isang room ay may portal papunta sa mga training grounds, halimbawa air ang power mo, dadalhin ka ng portal sa wind forest ng school" paliwanag niya, medyo na gets ko naman

"Tayo ka diyan luna" sabi ni Mr. Yuson at tinuro ang isang bilog na lumulutang, umiilaw rin ito

Nagdadalawang isip ako kung tatayo ako dun kasi yung ilaw niya parang yung ilaw sa galaxy, baka pag tumapak ako doon ay mahulog ako at mapunta sa outer space huhu

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni dad, tiningnan ko siya ng masama

Wag mong babasahin iniisip ko sabi ko sa isip alam ko namang binabasa niya isip ko eh

Sorry diko mapigilan eh, haha sige na gawin mo na safe yan, dalian mo at baka isipin ni Mr. Yuson na mga baliw tayo sabi niya sa isip ko

Tumango nalang ako at dahan dahang umakyat sa nakalutang na bilog na bagay, humarap ako sa mga shelf

"Paglabas namin ipikit mo ang mata mo at ilagay mo sa harap ang kamay mo, yung parang nanghihingi ng pera" sabi niya

Tumango ako at naglakad na sila palabas, huminga muna ako ng malalim bago ginawa yung sinabi niya, hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng malakas na hangin at naramdaman ko na parang may isang bagay na na nakapatong sa aking kamay.

Narinig ko naman bumukas ang pinto

"You can open your eyes now" sabi ni Mr. Yuson

Agad ko namang binuksan ang mga mata ko, at nakita ko na may clam na sa kamay ko, tumingin muna ako sakanila bago ko binuksan ang clam. Nagulat ako dahil pagkabukas nito ay biglang lumutang ang pearl, umililaw ito. Kinuha ko ito at may nakaukit dito tiningnan ko itong mabuti

"Room 143" sabi ko sa kanila habang sinusuri parin ang pearl

"Wierd" napatingin kaming dalawa ni dad kay Mr. Yuson dahil sa sinabi niya.

"Bakit po?" Tanong ko

"15 years na akong nagtatrabaho dito pero wala pa akong naririnig na may naka kuha na ng kwartong yan" sabi niya, na curious tuloy ako

Ohmaygas! Baka may multo sa room na yun kaya walang nagmamay ari! Sabi ko saking sarili

"Well siguro dahil isa lang naman ang water element power user dito eh, si princess sanary at mayroon siyang sariling room kaya ganun, Alam mo luna ang daming maiiggit sayo" sabi niya

"Bakit po?" tanong ko

"Kasi ang floor kung nasaan ang kwarto mo ay ang floor kung nasaan ang kwarto ng prinsipe at prinsesa" sabi niya

Prinsipe? Prinsesa? Waitttt parang wala naman atang na memension si dad saking tungkil diyan ah! Matanong ko nga mamaya

"Luna halika na" sabi ni dad
Sumunod naman ako, umupo na si Mr. Yuson sa desk niya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magic Spearls Academy: The Magic WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon