PROLOGUE :
Dear Nicole,
Bhest , alam kong ayaw mong marinig ang sasabihin ko sa iyo pero huwag mo sanang punitin itong papel o itapon na lang ng hindi mo pa nababasa.
Alam kong dapat sabihin ko sa iyo ito ng harap harapan , kaso wala akong sapat na lakas ng loob para sabihin sa iyo ito ng personal . Alam ko dapat nagsabi na ako sa iyo ng totoo kaso naunahan ako ng takot. Alam kong hindi mo na ako mapapatawad sa pag alis ko bigla , ng walang paalam , ng walang sinasabing salita sa inyo. pero para na din ito sa ikabubuti natin.
Meron akong leukemia bhest . patawarin mo ako kung ngayon ko lang sinabi ito sa iyo . ayoko lang na mag alala kayo sa akin nila key , dahil alam kong madami na naman kayong ipagbabawal sa akin hayss. Aalis ako bhest at pupunta na ako ng ibang bansa upang magpagamot, may chance na gumaling ako . Pero nagtitiwala ako na gagaling ako sa sakit ko. Pag gumaling na ako promise babalikan ko talaga kayo. Pagbalik ko gusto ko ng maraming chocolates ah ! hehe
Bhest, may ipapabor sana ako sa iyo . alam kong sobra na ako sa mga pabor pabor na yan kaso importante ito .
Pakialagaan mo si Key.
alam kong gusto mo siya ipinagtapat mo ito sa akin diba? Si Key mahal ko yan syempre parang kapatid ko na yan nu ! childhood bestfriends yata kami nyan :)
Bhest , gusto ko na mahalin mo siya higit sa pagmamahal ko.
maraming salamat bhest .
Love,
Sooyoung