*Sooyoung's POV*
uuwi na ako , wala na din naman akong kasama .. iniwan na din ako ni key
saan kaya pumunta yung mokong na yun -___- mukhang importante ang lakad na pupuntahan niya ah ..
naglalakad na ako pauwi ng makita ko si jessica ... mukhang wala siya sa sarili niya
tumakbo ako palapit sa kanya
"jessica !!!!!"
"s-sooyoung :("
"bakit sica ? ano nangyari ? bakit namamaga mata mo ? umiyak kaba ?"
"s-sooyoung"
niyakap ako ni jessica at umiyak siyang tuluyan ..
pumunta kami sa park kung saan ako madalas tumambay , kung saan doon ko nahahanap ang kapayapaan sa damdamin ko ..
umupo kami ni sica sa may bench ...
umiyak pa din siya
"sica ? sabihin mo sa akin ano nangyari ? "
matagal bago siya nahimasmasan .. pagtapos nun ay kwinento niya na sa akin ang lahat ..
binanggit niya sa akin kung gaano pa niya kamahal si jonghyun , yung mga masasayang alaala nila.. kung gaano kasakit nararamdaman niya ngayon kung gaano siya nahihirapan ..
"sica gusto mo ba magbalikan kayo ni jonghyun?" tanong ko
"ayon sa kwento mo , isang misunderstanding lang naganap sa inyong dalawa kaya kayo nagbreak .. alam ko mahal na mahal kapa din jonghyun"
"kahit na playboy dati si jonghyun , hinding hindi ka nya kayang lokohin :) ikaw ang nagpabago sa ugali niya .. ikaw ang dahilan kung bakit nag iba ang babaerong jonghyun na nakilala ng buong tropa:)"
"s-sooyoung tingin mo may pag asa pa kaya kami ni jonghyun?" nag alalang tanong ni sica
"oo naman :) huwag ka mag alala tutulungan ka namin :)"
"salamat sooyoung :("
"huwag kana malungkot , smile na ang magandang prinsesa"
"hehe ikaw talaga , binobola mo ko eh"
"hindi ah , teka gusto mo ba ng ice cream sica? ibibili kita ^^ libre na kita"
"WOW! for the first time nanlibre ka sakin ng pagkain soo"
"hahaha ! syempre sige hintayin mo ako diyan okay?"
"sige sige ! itetext ko lang si yuri baka hinahanap ako nun"
"okie dokie . wait mo ko dyan"
naglalakad ako papunta kay manong tindero ng ice cream , bumili ako ng dalawang ice cream chocolate and strawberry ang flavor
"manong eto po bayad"
"ay miss wala ka bang barya ? wala akong panukli"
"ayy manong sorry wala po eh"
"sige papalitan ko lang ito hintayin mo na lang ako"
"sige po manong"
habang hinihintay si manong .. may humagip sa atensyon ko ...
t-teka bbakit ang lakas ng tibok ng puso ko
baka nagkakamali lang ako
baka MALI ang nakikita ko ..
si Key ba ito ? sino ang babaing kasama niya ...
ttt-teka hinalikan niya si kkey
sssssii n-nicole?
SOOYOUNG ALIS NA !! huwag mo na sila titigan !!!
nanginginig ang mga tuhod koo.
"miss eto na sukli mo"
"m-miss?"
"ayyy ! manong sorry po"
nagulat ako may tumapik sa balikat ko si manong lang pala , nilingon ko siya at kinuha ko ang sukli ko
"miss nahulog yung dalawang ice cream mo"
"ay h-h-hehe , pagbili na lang po ulit ako manong"
--
bumalik ulit ako kay sica ..
"oh ? bakit ang tagal mo?"
"h-ha? ah eh , hinintay ko kasi si manong , wala kasi akong barya , kaya pinalitan niya yung perang binayad ko"
"uhmm. soo? okay ka lang ? bakit namumutla ka?"
"ah? w-wla ,tara na sica , medyo hindi maganda pakiramdam ko"
"ah sige sabi mo eh"
--
nang makarating na ako sa bahay
nakita ko si yuri
nakaupo sa may sofa namin lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit
"yul! namiss kitaaaa"
"aww ang baby soo ko , bat ka umiiyak?"
"wala yul ! natutuwa lang ako kasi nakita ulit kita!"
"awww. ang sweet naman ni baby soo"
"baby sis .. magpalit kana ng damit .. nagseselos ako sa inyo"
"hahahaha ! kaw talaga minho kapatid mo ito pinagseselosan mo"
"ehhh"
"yul! punta na ako sa kwarto ko magpapalit na ako ng damit ^^ ayan kuya solohin mo na si yul"
tumingin lang skin si kuya minho ..
--
*Yuri's POV"
"yul ." sabay yakap sakin ni minho
"hmm? bakit?"
"wala lang"
"aish , naglalambing na naman ang mahal ko :">"
"hehehe . namimiss na kaya kita" sabay pout niya sa akin
ang cute cute tlaga niya
pinisil ko ang pisngi ni minho
lalo pa siyang nagpopout , ano ba yan nagblu blush akooo .. tigilan mo yan minhoooooo!
"minho.."
"yes?"
"napansin ko si sooyoung knina, maputla siya tapos nung nakita niya ako umiyak siya hagulgol na ata yun"
"sige sige kakausapin ko na lang siya mamaya"
tumungo lang ako kay minho sign na pag agree ko sa kanya
"huwag kana mag alala kay soo :) everything will be fine trust me :)"
binigyan ko ng halik si minho sa pisngi to make him sure na hindi na ako nagwoworry
--
*Sooyoung's POV*
dali dali kong nilock ang pinto ... humiga ako sa kama ko at duon humagulgol
kinuha ko yung teddy bear na binigay sa akin ni key nung mga bata pa kami
niyakap ko yun ng mahigpit ..
hanggang sa makatulog ako
