*Minho's POV*
hinatid ko na si yuri sa bahay nila , hindi talaga ako makapaniwala na sinagot na ako ng babaing pinakamamahal ko , hanggang ngayon may hangover pa din ako sa nangyari kung paano ko nakuha ang puso ni yuri :)
"minho?"
"yes yul?"
"sigurado ka bang hindi kana papasok dito sa bahay?"
"hindi na yuri , at ska gabi na ^^ baka hanapin pa ako nila mama hindi nga tayo nakapag paalam kanina diba?"
"aish oo nga no?:( mamimiss kita minho" *pout*
lumapit ako kay yuri at binigyan ko siya ng halik sa kanyang labi , nakita ko na lang na bigla siyang nagblush
napangiti ako , ewan ko ba kinikilig ako , aishhh minho why so gay ?
"sige paalam yuri , i love you"
"i love you too minho" sabay halik sa akin ni yuri sa pisngi
--
nang makarating na ako sa bahay pinuntahan ko ang kwarto ni sooyoung
kumatok ako sa pinto pero walang sumagot sa akin kadalasan kasi pag nakatok ako sa pinto ni soo sisigaw muna siya bago niya buksan ang pinto marahil tulog na ito pumunta ako sa kwarto ko at nagpahinga na ako..
--
*Key's POV*
-FLASHBACK-
"M-MAHAL KITA KEY ! MAHAL KITA SIMULA NUNG NAGING MALAPIT TAYO SA ISAT ISA , BAWAT NGITI MO , BAWAT GALAW MO SINUSUBAYBAYAN KO .! GUSTONG GUSTO TALAGA KITA KEY!"
natulala ako sa mga sinabi ni nicole ! bestfriend ko ba talaga itong nasa harapan ko ? nagtatapat talaga siya sa akin ? hindi ko alam kung ano gagawin ko
lumapit siya sa akin ...
naramdaman ko na lang dumampi ang labi niya sa labi ko.
"a-ahmm im sorry key"
nakatulala pa din ako , hindi ko na alam ang gagawin ko .. nagsalita ulit siya
"key , ngayon alam mo ng may gusto ako sa iyo , anong masasabi mo? hindi naman sa nagiging desperada ako .. kaso MAHAL TALAGA KITA"
huminga muna ako ng malalim ..
"n-nicole .. alam mo naman na ayoko pa magka girlfriend diba? hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay .. at nicole , hanggang bestfriend lang talaga and tingin ko sa iyo ngayon"
"ngayon lang naman diba ? ngayon tingin mo lang sa akin bestfriend pero pwede pa naman magbago yun diba?"
hala ? si nicole ba tlaga itong kausap ko ...
"hindi ko naman sinabing mahalin mo ako ngayon , nagtapat lang ako dahil hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko sa iyo .. maghihintay ako sa iyo key ..."
pagtapos niyang banggitin iyo bigla syang tumakbo at iniwan ako..
hindi pa din ako makapaniwala
-END OF FLASHBACK-
AYYYY ! hindi tuloy ako makatulog ..
kanina pa ako gumugulong sa kama ko ...
isa pang gulong , bigla akong napatigil , kinuha ko ang teddy bear na bigay sa akin ni sooyoung nung mga bata kami bigla akong napangiti ..
naalala ko kung gaano kakulit si soo dati , kung gaano siya katakaw (psh hanggang ngayon naman) pero seriously , hindi ko alam kung bakit kami naging magbestfriend nun.. yung mga kulitan moments namin , yung mga kalokohan namin dati hahaha the best , patner in crime ko ata siya XD
aish key bakit nagflashback sa utak ko si piggy soo.. aww dapat pala bumawi ako sa kanya bukas hindi ko siya nasamahan ng matagal knina , sana hindi magtampururot yun
niyakap ko and teddy bear at nakatulog na ako
--
"Sooyoung's POV*
-time check 6:30 am*
biglang nanlaki ang mata ko ! waaahhh ! malelate na ako ! 7:30am pasok ko pero kailangan 7:15am nandun na ako sa school kundi hindi na ako papapasukin nung mga guards
"SOOYOUNG ! MAUUNA NA AKO!" narinig kong sumigaw si kuya minho marahil kanina nya pa ako ginigising
"SIGE KUYA !!!"
dali dali akong naligo at nagbihis .. nakita ko magang maga ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kagabi .. aish !!
kumuha ako ng sunglass at sinuot ko ito , ASDFGHJKL !! mukha akong jejemon pero susuotin ko na ito para hindi na nila ako tanungin ng tanungin
--
-AT SCHOOL-
sa wakas umabot ako ... tumakbo na ako sa classroom nakita ko si nicole at key naguusap sila :( mukhang ang saya saya nila
"SOOYOUNG!"
nagulat ako kung sino ang sumigaw , si jonghyun at onew lang pala .. lumapit ako sa kanila pinaupo nila ako sa tabi nila bale nasa gitna ako
nakita ko biglang hinila ni nicole si key palabas ... saan kaya sila pupunta ? :( hindi man lang nila ako napansin :(
"oyy !" kinalabit ako ni jonghyun
"h-huh?"
"nakikinig kaba? kanina pa kami nagsasalita ni onew" tas biglang nagpout si jonghyun
"haha ! s-sorry ano nga ulet?"
"sabi ko kung itutuloy mo paba soo?
"oo nga soo?:(" tanong din ni onew sa akin
"oo buo na ang desisyon ko. pero please huwag niyo sabihin sa iba okay? lalo na kina key at nicole"
tumango lang silang dalawa
--
-RECESS TIME-
*No One's POV*
dali dali agad umalis si sooyoung sa classroom nila .. habang si key nakukulitan na kay nicole .. hindi niya pa nakakasama si sooyoung ngayong araw na ito .. hindi kumpleto ang araw niya kapag walang sooyoung ang umaaway sa kanya :(
